DOH maghahain ng ’emergency use’ application para sa Sinopharm COVID-19 vaccine
- Published on May 11, 2021
- by @peoplesbalita
Mismong Department of Health (DOH) na raw ang maghahain ng aplikasyon para magkaroon ng emergency use sa Pilipinas ang COVID-19 vaccine ng Chinese company na Sinopharm.
Ito ang inamin ni Health Sec. Francisco Duque III, matapos mapasali sa emergency use listing ng World Health Organization (WHO) ang Sinopharm vaccine.
Ayon sa kalihim, ngayong araw nila ipapasa ang aplikasyon sa Food and Drug Administration (FDA), na nangangasiwa sa mga aplikasyon ng emergency use authorization.
“Ang DOH maga-apply ng EUA sa FDA para sa Sinopharm dahil nga mayroon ng emergency use listing na inilabas ng WHO,” ani Duque sa interview ng Teleradyo.
Noong Biyernes nang ianunsyo ng WHO na kasali na rin sa kanilang emergency use listing ang naturang Chinese vaccine. Ibig sabihin, pwede nang i-rolyo ng mga bansa ang bakuna ng Sinopharm.
Tulad ng sa Sinovac at Bharat Biotech, gawa sa inactivated virus ang bakuna ng Sinopharm.
Ayon sa WHO, may efficacy rate na 79% ang naturang vaccine brand sa mga symptomatic at hospitalized COVID-19 patients.
Ito rin daw ang kauna-unahang bakuna na mayroong “vaccine vial monitor,” na isang uri ng sticker na nakakabit sa vial o lalagyan ng bakuna.
“It is the also first vaccine that will carry a vaccine vial monitor, a small sticker on the vaccine vials that change color as the vaccine is exposed to heat, letting health workers know whether the vaccine can be safely used,” ayon sa WHO.
Bukod sa Sinopharm vaccine, ginawaran na rin ng emergency use ng WHO ang COVID-19 vaccines ng Pfizer-BioNTech, Janssen, Moderna, at AstraZeneca na gawa ng manufacturer sa South Korea at India.
Una nang sinabi ng FDA na bukod sa vaccine manufacturers, pwede ring mag-apply ng emergency use ang pamahalaan, sa pamamagitan ng DOH.
Noong nakaraang linggo nang maturukan ng Sinopharm vaccine si Pangulong Rodrigo Duterte. (Daris Jose)
-
Sa isang episode ng ‘Running Man PH’: KOKOY, muntik na talagang mag-backout sa sobrang takot
MUNTIK na palang atrasan ni Kokoy de Santos ang isa sa mga race ng ‘Running Man Philippines Season 2’ dahil sa pagiging matatakutin nito. Sa trailer kasi ay ipinakita na pumasok sa tila isang horror house ang pitong runners na sina Kokoy, Glaiza de Castro, Angel Guardian, Lexi Gonzales, Buboy Villar at Mikael […]
-
Para maging ganap na batas: PBBM, tinintahan ang Magna Carta of Filipino Seafarers law
TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Lunes ang Republic Act 12021 o Magna Carta of Filipino Seafarers Law para maging ganap na batas. Ang ceremonial signing ng Magna Carta of Filipino Seafarers ay idinaos sa Ceremonial Hall sa Palasyo ng Malakanyang. “The Magna Carta of Filipino Seafarers institutionalizes the protection of […]
-
Trains na gagamitin sa LRT 1 Cavite Extension dumating na
Ang unang batch ng fourth-generation trains na galing sa Spain at Mexico na gagamitin sa operasyon ng Light Rail Transit Line 1 Cavite Extension ay dumating na sa bansa. “The train’s arrival marks the realization of the Light Rail Transit Line 1 (LRT1)’s Cavite extension project, which is eyed for partial operability this year,” […]