• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mayor Joy, pabor luwagan ang quarantine restrictions sa NCR Plus

Pabor si Quezon City Mayor Joy Belmonte na ibaba na sa General Community Quarantine ang NCR Plus pagtapos nang pinaiiral na MECQ hanggang Mayo 14.

 

 

Sinabi ni Belmonte na  kailangang maibaba na ang quarantine restrictions para mabuksan na ang ilang negos­yo sa Metro Manila at mapasigla ang ekonomiya.

 

 

Gayunman, sinabi nito na kailangan pa ring  higpitan ang pagpapatupad ng safety and health protocols sa lahat ng mga pampublikong lugar, establisimyento at workplaces.

 

 

Ikinatwiran ni  Belmonte na bumababa na  ang COVID-19 cases sa buong NCR Plus sa nakalipas na dalawang linggo mula nang ipatupad ang ECQ noong Abril.

 

 

Sa QC, nasa 57% ang naibabang kaso ng COVID-19 habang tumaas na rin ang Occupancy Rate ng mga ospital.

 

 

Sa Mayo 14 matatapos ang kasalukuyang Modified Enhanced Community Qua­rantine sa buong NCR Plus o sa Metro Manila at karatig lalawigan na Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna.

Other News
  • VOTERS CERTIFICATION SINUSPINDE

    SINUSPINDE ng  Commission on Elections (Comelec)  ang pagpapalabas ng sertipikasyon ng botante mula Setyembre 27 hanggang 30, ang huling linggo ng panahon ng pagpaparehistro ng botante.       “Isa sa mga ginawa natin yung pagtigil sa pagi-issue ng voter’s certification, yung voter’s certification kasi dati nagi-issue pa tayo sa Comelec offices niyan kasabay ng […]

  • Football legend Diego Maradona pumanaw na, 60

    Pumanaw na ang football legend na si Diego Maradona sa edad 60.   Ayon sa kampo nito, inatake umano sa puso ang dating Argentina attacking midfielder.   Noong nakaraang mga linggo ay inoperahan ito dahil sa blood clot sa kaniyang utak ganon din sa pagsasailalim dito sa gamutan dahil sa pagiging lango sa alak.   […]

  • Dy, 6 pa kabilang sa WNBL draft

    NASA pitong mga kasapi dati ng Gilas Pilipinas o national women’s quintet sa pamumuno ni Raiza Rose Palmera-Dy ang mga pumasok sa opisyal 177 ballers para sa 1st Women’s National Basketbal League (WNBL) Rookie Draft 2020 sa San Fernando, Pampanga bago matapos ang buwang ito.   Kasama ng 27 na taong-gulang at 5-6 ang taas […]