• April 4, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga Pinoy, hindi puwedeng maging choosy sa bakunang ituturok sa kanila laban sa Covid-19

HINDI maaaring makapamili ang mga mamamayang Filipino o maging choosy kung anong brand ng COVID-19 vaccine ang makukuha nila mula sa pamahalaan.

 

Ayon kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ang mga bakunang inaprubahan ng drug regulator ay ” all potent, they are all effective.”

 

“There will be no discrimination at saka hindi kayo makapili kung ano ang bakuna. Pareho lahat ‘yan. ‘Di kayo makasabi [Astra]Zeneca sa akin, Moderna–no,” ayon sa Pangulo sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi.

 

“Kung ano ang nasa harap ninyo, ‘yon na. Do not ask for a special kind of–kasi bulto por bulto ‘yan ibigay… It leaves a bad taste in the mouth,” dagdag na pahayag nito.

 

Aniya pa, karamihan sa mga “well-off” na tao ay naghihintay ng US-made vaccines, gaya ng Pfizer at Moderna.

 

“Sabi ko hindi mangyari ‘yan. You cannot have–kung anong nasa harap n’yo, que milyonaryo ka o ano, iyon na ‘yong iyo. Hindi ka mamili,” anito.

 

Aniya pa, ipamamahagi ni vaccine “czar” Carlito Galvez Jr ang mga bakuna ng “blind eye ” pagdating sa brand nito.

 

“There’s no reason for you, really, to be choosy about it,” ani Pangulong Duterte.

 

“Ayaw kong magkaroon ng storya na may pinapapaboran kami na ito, ito. Wala. Maski saang subdivision ka na mayaman o anong lugar dito sa North Harbor, pareho kayo lahat. Hindi ako papayag na magpili-pili,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo.

 

Noong nakaraang taon ay sinabi ni Pangulong Duterte na mas gusto niya ang bakuna mula sa China o Russia.

 

Napaulat na nagpabakuna na si Pangulong Duterte gamit ang bakuna mula sa Chinese state firm Sinopharm.

 

“Sa awa ng Diyos, okay naman,” anito. (Daris Jose)

Other News
  • 38 porsyentong Pinoy tiwalang gaganda ekonomiya ng bansa – OCTA

    NANINIWALA ang 38% ng mga adult Filipinos na gaganda ang ekonomiya ng bansa sa susunod na anim na buwan.     Base sa non-commissioned survey ng OCTA Research na ginawa noong Disyembre 2023, ang 38% ay mas mataas sa 27% na nagsabing gaganda ang ekonomiya noong October 2023.     Bumaba naman sa 8% noong […]

  • National Press Freedom Day bill pasado na sa Senado

    INAPRUBAHAN ng senado sa huling pagbasa ang panukalang batas na nagdedeklara sa Agosto 30 kada taon bilang National Press Freedom Day.   Ipinasa ng mga senador ang Senate Bill 670 bilang pagkilala kay Marcelo H. Del Pilar na ikinokonsidera bilang father of Philippine Journalism.   Nakakuha ito ng kabuuang 19 at walang kumuntra ganun din […]

  • IOC, nagbanta na parurusahan amg mga atleta na magpoprotesta sa Tokyo Olympics

    Nagpaalala ang International Olympic Committee (IOC) sa mga atleta na dadalo sa Tokyo Olympics na huwag magbabalak na lumuhod at magtataas ng kamao bilang suporta sa racial equality.     Ayon sa IOC na hindi sila magdadalawang isip na parusahan ang mga sinumang atleta na gagawin ang nasabing hakbang.     Nakasaad kasi sa IOC […]