• May 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Phil. Football Federation hinihintay pa ang naturalization ng Spanish player na si Marañon

Handang maghintay ang Philippine Football Federation (PPF) sa naturalization ng Spanish striker na si Bienvenido Marañon.

 

 

Kasunod ito sa pag-apruba na naturalization ng basketball player na si Ange Kouame.

 

 

Sinabi ni Nonong Araneta ang pangulo ng PPF, dahil sa COVID-19 pandemic ay nagkakaroon ng pagkaantala ng ilang mga dokumento ni Marañon.

 

 

Inaasahan kasing mahabol ang naturalization ni Marañon para ito ay agad na maisabak sa paglaban ng Philippine Azkals sa FIFA World Cup at AFC Asian Cup qualifers na magsisimula sa Hunyo 3.

 

 

Naipasa na sa third at final reading ang mga papeles ni Marañon sa Senado noong Marso at hinihintay na lamang ang pirma ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

Kasalukuyang naglalaro kasi ang 34-anyos na si Marañon sa United City FC sa Pilipinas at siya ang nangungunang scorer.

Other News
  • ‘Halos kalahati’: Pamilyang Pinoy na naniniwalang mahirap sila sumirit sa 48% — SWS

    LALONG tumaas sa 48% ang bilang ng pamilyang Pinoy na nagsasabing sila’y naghihirap kahit nagbalik na ang halos lahat ng trabaho at establisyamento ngayong pandemya, ayon sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS).     ‘Yan ang napag-alaman ng SWS sa kanilang face-to-face interviews sa 1,500 katao sa buong Pilipinas na siyang ikinasa noong […]

  • Bar Exams magpapatuloy sa buwan ng Nobyembre

    MAGPAPATULOY ang 2022 Bar examinations gaya ng orihinal na naka-iskedyul sa buwan ng Nobyembre ayon sa Korte Suprema.     Inihayag ni SC spokesperson Brian Hosaka na magpapatuloy sa November 9, 13, 16, at 20 ang 2022 Bar Exams.     Samantala, sinabi rin ni Hosaka na mayroong 9,916 examinees ang inaasahan para sa Bar […]

  • Pinatigil ang project na ipo-produce at idi-direk: CHANNING TATUM, na-depress nang ‘di natuloy ang pagbibidahang Marvel film na ‘Gambit’

    NAGPAPASALAMAT ang Prima Donnas star na si Sofia Pablo sa kanyang ka-loveteam na si Allen Ansay dahil naging acting coach niya ito sa ginawa nilang music video na “Everybody Hurts” na inawit nila Julie Anne San Jose at Christian Bautista.     For the first time daw ay naging serious sila ni Allen sa paggawa […]