• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gov’t agencies pumirma sa memorandum para sa COVID vaccine mass importation at local production

Pinuri ni Health Secretary Francisco Duque III ang nabuong joint memorandum circular ng ilang ahensiya ng gobyerno para mapabilis ang importasyon ng COVID-19 vaccines at maging ang manufacturing.

 

 

Ayon sa kalihim, may malaking impact daw ang naturang kasunduan sa ekonomiya ng bansa dahil makikinabang dito ang business sector.

 

 

Sinabi pa ni Sec. Duque, ang inisyatibong ito na bukod sa target na maparami ang supply ng bakuna sa bansa, mahalaga rin daw ito upang iangat ang teknikal na kakayahan at kagalingan ng lokal na industriya.

 

 

Batay sa Joint Memorandum Circular No. 1, Series of 2021, pumirma rito ang Department of Health (DOH), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Science and Technology (DOST), Food and Drug Administration (FDA), National Task Force against COVID-19 (NTF against COVID-19) at ang Anti-Red Tape Authority (ARTA).

 

 

Kabilang sa highlight ay ang pagtatayo ng “green lane” para mas mapabilis ang pagkuha ng permits, licenses, pagkuha ng otorisasyon sa pag-angkat ng bulto ng mga bakuna at ang pagtatayo ng COVID-19 vaccine manufacturing facility.

 

 

“Ang inisyatibong ito, bukod sa magiging tulong sa pagdami ng supply ng bakuna sa bansa upang maprotektahan ang sambayanang Pilipino, ito ay mahalagang kontribusyon upang iangat ang teknikal na kakayahan at galing ng lokal na industriya, para palakasin ang ekonomiya ng ating bansa,” ani Duque.

 

 

Para naman kay Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, sinabi nito na ang naturang hakbang ay panimula sa pagiging self-sufficiency ng bansa sa vaccine production dahil makakaengganyo ito sa pamamagitan ng incentives para sa mga vaccine manufacturers.

 

 

“This is the first and necessary step in our journey towards having our very own vaccine manufacturing facility,” pahayag pa ni Lopez. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Pulis todas sa pamamaril sa Caloocan

    Nasawi ang isang 40-anyos na pulis matapos pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek na sakay ng dalawang sasakyan sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.     Dead on the spot sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa ulo at katawan ang biktima na kinilalang si Police Corporal Ronel Acuña, 40, nakatalaga sa Caloocan […]

  • TRB: P264 provisional toll sa Skyway 3

    Inilabas ng Toll Regulatory Board (TRB), ang ahensiya sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr), ang provisional toll rates para sa 18-kilometer na Skyway Stage 3 project sa ilalim ng San Miguel Corp. (SMC).     Kung deretso mula sa Buendia sa Makati hanggang South Luzon Expressway (SLEX), ang pinayagan provisional toll rate ay P264. […]

  • Cleveland employees aayudahan, Love ‘magpapasweldo’

    MAMUMUDMOD ng $100,000 o mahigit P5-M si Cleveland Cavaliers star Kevin Love bilang ayuda sa mga empleyado ng kanilang playing arena na naapektuhan ng suspension ng laro ng NBA dahil sa coronavirus disease.   Ayon kay Love, hindi lamang siya nababahala sa basketball at sa halip ay sa mga tao na nasa likod tuwing sila […]