• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SWAB TESTING COMPANY SA NAIA NA GRABENG MANINGIL DAPAT MAPAALIS SA PALIPARAN -MALAKANYANG

KINAKAILANGAN na mapaalis ang swab testing company sa airport na sobra ang hinihinging singil sa mga indibidwal na nagpapa rt- PCR test sa kanila.

 

Tugon ito ni Presidential spokesperson Harry Roque sa harap ng impormasyon na isinawalat ni Senador Richard Gordon na ilang swab testing firms ang naniningil ng beinte mil kada swab test.

 

Giit ni Sec. Roque, hindi dapat na nakapasok sa airport ang ganitong uri ng pananamantala lalo’t isang pribelehiyo ang ibinibigay sa mga may kalakalan sa paliparan.

 

“Well, iyan po ay nanggaling kay Senator Richard Gordon bagama’t alam ninyo naman po ang access sa NAIA ay restricted at in-assure naman po tayo ng NAIA na ang lahat po na pumapasok na mga PCR test personnel ay namu-monitor naman po nila.

 

So minabuti pa rin po na magkaroon ng imbestigasyon diyan pero ang assurance po sa atin, dahil restricted nga po iyang airport, eh mukhang malabo naman daw po iyan mangyari,” ayon kay Sec. Roque.

 

Kaya ang panawagan ni Sec. Roque sa publiko lalo na sa mga nagbayad ng P20, 000 sa kada swab test sa airport ay mangyaring magbigay ng kanilang testimonya.

 

Sa ganitong paraan ayon kay Sec. Roque ay maaaring mapa- alis ang naturang swab testing company na grabe ang ginagawang paniningil sa kada salang sa COVID 19 testing.

 

“Kung mayroon po talagang nagbayad ng P20,000 eh magbigay sana po sila ng testimonya nang sa ganoon eh mapaalis natin sa airport iyan ‘no, dahil iyong mga nagsasamantalang ganiyan po hindi dapat nakakapasok ng airport dahil pribilehiyo naman po iyong binibigay nating negosyo sa kanila kapag sila po ay magbibigay ng PCR testing sa mga bumabalik na OFWs at mga Filipi- nos at iba pang mga dayuhan na pumapasok po sa airport,” lahad nito. (Daris Jose)

Other News
  • Bumubuo ng ‘Prima Donnas’, binigyan ng commendation ng GMA Network dahil sa successful and record-breaking run

    MATULOY na kaya sa middle of March ang lock-in shoot ng first team-up nina Bea Alonzo at Alden Richards, na ipu-produce ng Viva Films at GMA Network?           Matagal nang pinag-usapan ang shoot ng A Moment To Remember na based sa Japanese movie at Korean drama, ready na rin pareho sina Bea at […]

  • Mas maraming investments sa Pinas, tinitingnan ng Japan

    INTERESADO ang Japanese corporations  na palakasin ang  partnership nito sa Pilipinas.     Layon nito na isulong ang “high-level” economic growth para maging  investment destination.     Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), sinabi ni Japanese Chamber of Commerce and Industry (JCCI) chair Ken Kobayashi  na ang  “stable and high-level economic growth” ng Pilipinas sa […]

  • Ilang palaro maari sa bansa – Jaworski

    KUMPIYANSA si newly-elected International Olympic Committee (IOC) Executive Board Member at Repesentative to the Philippines Mikaela Maria Antonia ‘Mikee’ Cojuangco-Jaworksi na may kakayanan ang bansa na makapagtaguyod ng mas malalaking torneo, malaki pa sa nakaraang Disyembre na matagumpay na 30th Southeast Asian Games PH 2019.   “Hosting a sportsfest far bigger than the SEA Games […]