• December 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PAGTANGGAP NG RED HAT NI CARDINAL ADVINCULA, IPINAGPALIBAN

NAIPAGPALIBAN sa susunod na buwan ang pagtanggap ng biretta ni Archdiocese of Manila Archbishop-elect Cardinal Jose Advincula na ipinagpaliban ang pagtanggap nito ng biretta sa susunod na buwan.

 

 

Sinabi  ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas na itinakda na sa Hunyo 8, 2021 ang ‘bestowal of red hat’  matapos na  sumailalim sa 14-day mandatory quarantine si Apostolic Nuncio to Philippines Archbishop Charles Brown nang dumating sa bansa mula sa New York.

 

 

Ayon kay Cardinal Advincula, ito ay gaganapin pa rin sa Immaculate Conception Metropolitan Cathedral sa Roxas City ganap na alas nuwebe ng umaga.

 

 

Sa Hunyo 24, 2021 naman ay pormal nang itatalaga si Cardinal Advincula bilang ika -33 arsobispo sa Arkidiyosesis ng Maynila.

 

 

Ito rin ay dadaluhan ng mga alkalde ng  San Juan, Pasay, Makati, at Mandaluyong sa pangunguna ni Manila City Mayor Francisco Domagoso.

 

 

Imbitado rin sa installation ang Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo.

 

 

Puspusan naman ang paghahanda ng arkidiyosesis sa pagdating ng bagong arsobispo lalo’t mahigit sa isang taon nang sede vacante ang arkidiyosesis na pansamantalang pinangangasiwaan ni Bishop Broderick Pabillo.

Other News
  • Cemetery pass sa mga gugunita ng undas sa Navotas

    NAGTAKDA ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng mga panuntunan sa mga nais maggunita ng Undas at mag-i-isyu ng pass sa mga dadalaw sa puntod ng mga mahal nila sa buhay kaugnay ng pansamantalang pagsasara ng lahat ng pampubliko at pribadong sementeryo sa lungsod mula October 30 hanggang November 4, 2020.   Ang naturang hakbang ay […]

  • AFC Cup 2020 kinansela na dahil sa COVID-19 pandemic

    Kinansela na ang Asian Football Confederation ang AFC Cup 2020 dahil sa coronavirus pandemic.   Ayon kay AFC President Shaikh Salman bin Ebrahim Al Khalifa , na isinaalang-alang nila ang kaligtasan ng lahat kaya minabuti nilang kanselahin ang torneo.   Mula pa noong Marso ay kanselado na ang mga laro at nakatakda sana itong ituloy […]

  • ‘Back to ECQ:’ Mga hospital bed capacity sa Cebu, dadagdagan- Cimatu

    Inaalam ng Visayas Overseer on COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) Task Force na si Sec. Roy Cimatu ang bed capacity sa lahat ng mga pagamutan sa Lungsod ng Cebu.   Ayon kay Cimatu, natukoy nila mula sa mga tinawagang may-ari na may 569 bed capacity sa mga pribadong ospital habang 646 sa intensive care units.   […]