• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lalamove driver 1 pa, kulong sa P272K shabu at baril-barilan

KALABOSO ang dalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang Lalamove delivery matapos makuhanan ng P272K halaga ng shabu sa buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

 

Kinilala ni Valenzuela Police Chief Col. Fernando Ortega ang naarestong mga suspek na si Danilo Gonzalez, 48 at Rodney Modejar, 37, Lalamove Delivery ng Manalo Compd. Dalandanan.

 

Ayon kay Col. Ortega, alas- 12:30 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Robin Santos ang buy-bust op- eration kontra sa mga suspek sa bahay ni Gonzalez sa No. 6-A T. De Gula St., Brgy. Marulas.

 

Habang nagaganap ang buy- bust, nilabas ni Gonzalez mula sa kanyang sling bag ang isang cal. 45 “replica” saka pinagbantaan ang police poseur- buyer na si PCpl Mario Martin ng “Pre baka asset ka ha pag tinimbre mo ako babarilin kita dati akong NPA commander”.

 

Nang matapos ang transaksyon, agad nagbigay ng signal si PCpl Martin sa kanyang mga kasama kaya’t mabilis lumapit ang back up na si PSMS Roberto Santillan at PCpl Francis Cuaresma saka inaresto si Gonzalez at Modejar.

 

Ayon kay SDEU investigator PCpl Christopher Quiap, nakumpiska sa mga suspek ang humigit-kumulang sa 40 gramo ng shabu na tinatayang nasa P272,000 ang halaga, P300 buy- bust money, P700 bills, 2 cellphones, stainless box, digital weighing scale at cal. 45 replica.

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Illegal Possession of Firearm (gun replica). (Richard Mesa)

Other News
  • “MONSTER HUNTER” OPENS IN PH CINEMAS THIS MARCH

    MANILA, March 2, 2021 — Big action and big monsters are meant to be seen in the BIG SCREEN.        This month, moviegoers will get the full cinematic experience again as Columbia Pictures’ new fantasy action thriller Monster Hunter, opens in Philippine cinemas March 2021!     Film fans are advised to refer to the […]

  • MARK, tuluyan nang binitiwan ni Manay LOLIT at may rebelasyon pa

    TULUYAN na ngang binitiwan ni Manay Lolit Solis ang alaga niyang si Mark Herras dahil sa lumalang isyu na mangungutang ang aktor ng P30K, pero hindi niya ito pinagbigyan.            Na kung saan kung sinu-sino na ang nadamay, at galit na galit ang netizens sa mga naging tirada ni Manay Lolit tungkol sa […]

  • Ads February 3, 2023