Pangunguna ni VP Leni sa isang Presidential survey para sa 2022 elections, wishful thinking lang-Malakanyang
- Published on May 31, 2021
- by @peoplesbalita
PARA sa Malakanyang, wishful thinking lang ang lumabas sa isang presidential survey para sa 2022 elections kung saan nanguna si Vice President Leni Robredo.
Batay kasi sa PiliPinas 2022 Online Survey Platform for Presidential Candidates, nanguna si Robredo makaraang makakuha ng 34.27 percent na boto, pangalawa si Davao City Mayor Sara Duterte na may 18.06 percent, Senador Manny Pacquiao na may 16.31 percent, dating Senador Bongbong Marcos na may 12.08 percent, Manila Mayor Isko Moreno na may 7.29 percent, Senador Bong Go na may 7.05 percent at Senador Grace Poe na may 4.94 percent.
Giit ni Presidential Spokesman Harry Roque, hindi pa nga niya narinig ang nasabing polling company na nagsagawa ng survey.
“Naku, mukhang wishful thinking po iyan at hindi ko pa naririnig ang polling company na iyan,” ayon kay Sec. Roque.
Bukod dito, wala rin aniya siyang ideya kung ano ang naging proseso ng kumpanya sa pagsasagawa ng survey.
Para kay Sec. Roque, naniniwala pa rin siya sa cross sampling method na survey kung saan nakapagtrabaho na rin siya sa isang pamantasan na pinagmulan ng naturang proseso.
Aniya, ang dapat na pinaniniwalaan pa rin ay ang mga mapagkakatiwalaang polling company dahil batid niya ang proseso kahit na 1,200 lamang ang kinukuhang sample sa mga respondents.
Sinabi nito na kapag random ang statistical survey nagiging accurate ang resulta.
“Hindi ko po alam kung ano ang naging proseso ng kompanyang ito at sa totoo lang, hindi ko pa naririnig pa iyang kompanyang iyan,” pahayag ni Roque. (Daris Jose)
-
Nilunok ang pride para maka-survive sa Amerika: PACO, binalikan ang paghihirap sa pagiging kargador, kahero at tagalinis ng banyo
KINUWENTO ng Introvoys member na si Paco Arespacochaga ang naging buhay niya sa Amerika noong magdesisyon siyang iwan ang Pilipinas noong 2001. Sa programang ‘Magandang Buhay’ ay ni-reveal ni Paco na hindi natuloy ang dapat na pagtrabaho niya sa isang international record label dahil wala siyang mga legal documents. Dahil sa kahihiyan ay […]
-
22.9 milyon benepisaryo ang mabibigyan ng ayuda sa ECQ areas
AABOT lamang sa 22.9 million beneficiaries ang mabibigyan ng ayuda ng pamahalaan sa ilalim ng Expanded Social Amelioration Program (SAP). Ang mga benepisaryong ito ay nasa lugar ng nasa ng ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa loob ng isang linggo. Sinabi ni DBM Sec. Wendel Avisado na base ito sa population statistics […]
-
ANDREA, walang makapipigil sa pagpapakita ng kanyang alindog; nagpanganga sa daring post
WALANG makapipigil kay Andrea Torres na magpakita ng kanyang alindog sa social media. Sa latest post ng Kapuso sexy actress, pinakita nito ang kanyang abs at suot lang niya ay white bralette ar jeans. Napanganga ulit ang netizens sa daring na post ni Andrea. Pati na mga kapwa artista niya ay nag-comment ng […]