• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

50K tauhan ng PNP, BFP idineploy

Mahigit sa 50,000 tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP) ang idineploy ng pamahalaan para matiyak ang maayos na daloy ng national COVID-19 vaccine rollout sa bansa.

 

 

Kasunod na rin ito nang inaasahang pagbabakuna ng pamahalaan ngayong Hunyo ng may 35.5 milyong manggagawa na nasa ilalim ng A4 category.

 

 

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, nasa 35,415 police personnel ang tutulong sa pagbibiyahe ng mga bakuna sa buong bansa, habang 13,840 naman ang tutulong sa pagtiyak na mapapanatili ang health protocols, at magkakaloob ng seguridad sa inoculation activities.

 

 

Samantala, nasa 2,390 personnel at 356 emergency medical service units mula sa BFP ang ide-deploy sa 1,150 warehouse at mga vaccination sites.

 

 

Nagpuwesto na rin ang BFP ng 733 fire trucks at 59 ambulansiya para sa pangangailangan sa transportasyon sa pagbabakuna.

 

 

“Mass vaccination will be a big challenge to the government but with the help of our uniformed personnel, we aim to get as many of our countrymen and women vaccinated as efficiently and as soon as possible. This is the only way for us to put an end to this pandemic,” anang DILG Secretary.

 

 

Sinabi pa ng kalihim na ang mga uniformed personnel na may medical backgrounds ay itatalaga rin sa medical tasks sa mga vaccination sites sa buong bansa. Kasabay nito, iniulat ng DILG na nasa 14,082 police medical workers na ang nakatanggap ng kanilang unang dose ng COVID-19 jabs, at 8,416 dito ang fully vaccinated na o nakatanggap na rin ng second dose.

 

 

Sa BFP naman, nasa 6,298 personnel na ang tumanggap ng unang dose habang 2,298 sa kanila ang nakatanggap na rin ng second dose. (Daris Jose)

Other News
  • Ads March 22, 2022

  • Mayor Wes, Senator Win, nagbigay ng cash aid sa mga nasunugan sa Valenzuela

    BILANG tulong sa mga pamilyang nawalan ng bahay sa nangyaring sunog sa Barangay Gen. T. De Leon noong Enero 14, pinagkalooban ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor WES Gatchalian at ng opisina ni Senator WIN Gatchalian ng tulong pinansyal ang mga nasunugan sa Bitik Elementary School.     Ang bawat pamilyang pansamantalang […]

  • PBBM, hinirang si Toni Yulo-Loyzaga bilang DENR Secretary

    INANUNSYO ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, araw ng Martes ang nominasyon ni  Ma. Antonia “Toni” Yulo-Loyzaga bilang Kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).     “The President has nominated Ms. Ma. Antonia “Toni” Yulo-Loyzaga as Secretary of the Environment and Natural Resources. Her nomination will still be subject to the fulfilment of […]