• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gobyerno, hindi alam kung saan huhugutin ang pondo para sa P401-billion Bayanihan 3 bill

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin maisip ng pamahalaan kung paano popondohan ang panukalang P401-billion Bayanihan 3 bill.

 

Layon nito na tulungang makabangon ang ekonomiya mula sa pagkawasak at pagkalugmok dahil sa COVID-19 pandemic.

 

Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay bunsod ng Bayanihan 3 measure na inaprubahan sa ikalawang pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pangunguna ni Speaker Lord Allan Velasco, malapit na kaalyado ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

“We are still waiting for the report of the economic team if we have a budget for that,” ayon kay Sec. Roque.

 

Aniya pa, titingnan ng pamahalaan kung mayroong available na pondo mula sa P4.5-trillion 2021 budget at sa P165-billion Bayanihan 2 law.

 

“We are also waiting certification from the Bureau of Treasury if we have funds for Bayanihan 3,” dagdag na pahayag nito.

 

Sinabi pa ni Sec. Roque na ikinalugod nila ang proactive approach ng Velasco-led House.

 

“We thank them for this because when the time comes that we really need a supplemental budget, we won’t be scrambling for it,” ayon kay Sec Roque. (Daris Jose)

Other News
  • Fajardo utay-utay lang muna sa pagpapraktis

    HINDI nakakaramdam ng sakit si Philippine Basketball Association star June Mar Fajardo ng San Miguel Beer sa kanyang shin injury, pero ayaw pa niyang tumodo sa mga ensayo.     May palugit pa naman siya upang makondisyon bago buksan ang 46th PBA Philippine Cup 2021 bago matapos ang kasalukuyang buwan o unang linggo ng Hulyo. […]

  • Ibabahagi sa mga fans ang kanyang 35 taong paglalakbay: ICE, sobrang excited sa first major solo concert after ten years

    SA nakalipas na 35 taon ay nasubaybayan ng buong bansa ang buhay ni Aiza Seguerra na kilala ngayong Ice Seguerra na isang icon ng pelikula at telebisyon, child star wonder, certified OPM hitmaker, at ngayon ay live events at TV director na rin. Ang kanyang paglalakbay ang nagdala sa kanya sa pagdiskubre hindi lamang ng […]

  • Marcial pinuri si Pacman

    Nagbigay ng tribute si Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Marcial kay Manny Pacquiao isang araw matapos matalo ang Filipino world eight-division champion kay Cuban world titlist Yordenis Ugas.     Ayon sa middleweight na si Marcial, habambuhay na mananatili si Pacquiao sa kanyang puso.     “Ever since I was a child, the name Manny […]