• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

National karatekas maagang magtutungo sa France

Mas maagang magtutungo ang mga national karatekas sa Paris, France para sumabak sa World Karate Championship, ang pinakahuling qualifying tournament para sa 2021 Olympic Games.

 

 

Ito ay dahil sasailalim pa sina 2019 SEA Games gold medalist Jamie Lim, Fil-Am Joane Orbon, Ivan Agustin, Shariff Afif, Joco Vasquez, Sarah Pa­ngilinan at Jason Macaalay sa isang 10-day quarantine.

 

 

Napuwersa sina Lim, Orbon, Agustin, Afif, Vasquez, Pangilinan at Macaalay na tapusin ang kanilang training camp sa Istanbul, Turkey.

 

 

“Supposed to be naka-book kami ng June 7 pa­puntang France, iyon talaga ang plano,” sabi ni Karate Pilipinas president Richard Lim sa panayam ng PTV Sports. “Kaso nga sinabi ng French Government na kailangan kaming duma­ting ng mas maaga dahil we have to fulfill the 10-day quarantine.”

 

 

Inaasahan ding makakasama ng grupo si 2019 SEA Games gold medal winner Fil-Japanese Junna Tsukii para sa Olympic qualifying sa Hunyo 11-13.

 

 

Ang top three karatekas sa bawat weight category ang magku-qualify sa 2021 Olympics na nakatakda sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8 sa Tokyo, Japan.

 

 

Umakyat si Tsukii sa No. 8 sa world rankings ng female kumite -50 kilogram division matapos pagreynahan ang World Karate Federation (WKF) Premier League sa Lisbon, Portugal.

Other News
  • Trabaho lang daw at walang personalan: SHARON, inunahan na ang natawa sa title ng upcoming TV series na pang-Hollywood

    MARAMI ang natuwa, nagulat at napa-wow nang I-post ni Megastar Sharon Cuneta ang title ng upcoming international project niya na ‘CONCEPCION: A Crime Family Drama.     Caption ni Mega: “(Sige magtawa kayo sa title! Eh wala ganon talaga eh. Trabaho lang walang personalan!)     “Just please read the article. Just might be my surprise #1 for […]

  • Sotto nagningning para sa 36ers

    MAS maganda ang inilaro ni Kai Sotto sa kanyang third game sa Adelaide 36ers.     Subalit hindi pa rin ito sapat para tulungan ang kanyang tropa matapos lasapin ng Adelaide ang 89-100 kabiguan sa kamay ng Illawarra sa 2021-22 Australia National Basketball League na ginanap sa WIN Entertainment Centre.     Nakalikom ang 7-foot-3 […]

  • DOH maghahain ng ’emergency use’ application para sa Sinopharm COVID-19 vaccine

    Mismong Department of Health (DOH) na raw ang maghahain ng aplikasyon para magkaroon ng emergency use sa Pilipinas ang COVID-19 vaccine ng Chinese company na Sinopharm.     Ito ang inamin ni Health Sec. Francisco Duque III, matapos mapasali sa emergency use listing ng World Health Organization (WHO) ang Sinopharm vaccine.     Ayon sa […]