DOH: Pareho ang protocol ng mga ospital para sa confirmed, probable/suspect COVID-19 cases
- Published on October 30, 2020
- by @peoplesbalita
NILINAW ng Department of Health (DOH) na pareho lang ang protocol na ipinatutupad sa mga probable at suspected COVID-19 cases, tulad ng ginagawa sa mga confirmed o positibong kaso ng sakit.
Pahayag ito ng kagawaran sa gitna ng mga ulat na may ilang pamilya raw ang kumwestyon sa responde ng mga doktor sa kanilang kaanak na namatay nang hindi pa sumasailalim sa COVID-19 test.
”Most of the time the patient will come in the facility nang medyo malubha na ang kanilang sakit. Hindi sila nakakarating sa facility ng mas maaga, para magamot ng mas maaga.”
“Testing post-mortem hindi namin ina-advice kasi wala pa tayong sapat na ebidensya that even in cadavers na mataas pa rin ang load ng virus.”
Paliwanag ng opisyal, wala pang ebidensya na mataas pa rin ang “viral load” kahit sa mga namatay nang confirmed case. Kailangan daw kasi ng virus ng “host” o aktibong katawan para kumalat at makapanghawa.
Ayon kay Vergeire, protocol ng mga doktor ngayon na ituring bilang confirmed case ang mga darating na indibidwal sa ospital na may sintomas ng pandemic virus.
Pati sa mga mamamatay na pasyente nang hindi pa nate-test pero nakitaan ng sintomas, ay maaari na rin daw ituring na positibo sa COVID-19.
“Hindi natin dine-delay ang panggagamot kung sakaling wala pang test.. ang ating protocol kasi, kapag ang ating mga doktor ay na-assess nila na ang isang tao ay may COVID-related symptoms maaari silang makonsidera na suspect or probable kahit wala pang test.”
“Kung siya ay namatay because he/she is a suspect based on clinical assessment, kailangan kung paano tratuhin ang bangkay ng isang confirmed case pareho rin sa suspect/probable.”
Dagdag ng opisyal, tulad ng sa confirmed cases, inirerekomenda rin ang agarang cremation sa mga probable at suspect cases na babawian ng buhay.
-
Isyu vs kandidato na ‘di sumisipot sa debate, tatalakayin sa en banc session – COMELEC
NAKATAKDANG talakayin ng Commission on Elections (COMELEC) sa nalalapit na en banc meeting sa Miyerkules kung paano nito tutugunan ang isyu ng hindi pagdalo ng ilang kandidato sa mga debate na kanilang inorganisa. Sinabi ni COMELEC Chairman Saidamen Pangarungan sa mga mamamahayag pagkatapos ng unang vice presidential leg ng PiliPinas Debates 2022 kagabi, […]
-
Marami nang nasulat sa maiskandalong paghihiwalay nila ni Victor: MAGGIE, walang uurungan at ipaglalaban ang kanyang karapatan
SINUSUBAYBAYAN ngayon ng mga netizens ang nangyayari sa tila scandal sa pagitan nina Maggie Wilson at Victor Consunji na ngayo’y estranged couple na. Kung si Victor ay kilala bilang business mogul bilang young CEO of Victor Consunji Development Corporation, hindi rin pwedeng isnabin ang mga pansariling achievements ni Maggie kahit sa business world, […]
-
Dahil maraming umaasa at gustong matulungan: KAKAI, keber na kahit masabihan na mukhang pera
SOBRANG saya ang pa-surprise bonding ni Ms. Rhea Anicoche-Tan kasama ang SPEEd officers and members last Friday, July 7, na kung saan nagpa-set up siya ng bonggang dinner na pang-presscon ang dami ng foods and desserts. Hindi lang ‘yun at may set-up din ng pang-acoustic na puwedeng makipag-jamming. Kaya naman, isang tawag lang […]