• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

WBA crown ni Pacquiao ibabalik!

Magiging world champion na naman si eight-division world champion Manny Pacquiao.

 

 

Ito ay dahil sa posibilidad na maibalik sa kanya ang World Boxing Association (WBA) welterweight title.

 

 

Inihayag ni WBA president Gilberto Mendoza na malaki ang tsansa na mu­ling ibigay sa Pinoy champion ang world title matapos itong tanggalin sa kanya noong Enero.

 

 

Ikinuwento ni Mendoza na nakipag-uganayan si MP Promotions president Sean Gibbons sa WBA para hilingin na ibalik ang korona kay Pacquiao.

 

 

“Initially, the plan was for (Yordenis) Ugas to fight Pacquiao. But now, the (Errol) Spence fight was announced. (MP Promotions head) Sean Gibbons, who represents Manny, they’ve written a letter to be placed back in (as WBA “super” champion),” ani Mendoza saThaBoxingVoice.

 

 

Dahil sa aksyon ng kampo ni Pacquiao, kumi­kilos na ang WBA upang mapabilis ang proseso para ibalik sa Pinoy champion ang championship belt nito.

 

 

Nakatakdang sumalang sa matinding bakbakan si Pacquiao laban kay reig­ning World Boxing Council (WBC) at International Boxing Federation (IBF) welterweight cham­pion Errol Spence sa Agosto 21 (Agosto 22 sa Maynila).

 

 

“We’re working on it. There’s a high probability. It has to be run through a championship committee and voted before being taken to the president,” ani Mendoza.

 

 

Noong Enero, tinanggalan ng WBA crown si Pacquiao dahil sa “inacti­vity” nito sa loob ng mahigit isang taon.

 

 

Matatandaang noong Hulyo 2019 pa huling lumaban si Pacquiao matapos irehistro ang split decision win laban kay Keith Thurman para maagaw ang WBA title.

 

 

Mula noon, hindi na nasilayan pa sa aksyon si Pacquiao dahil sa epekto ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

 

 

Nakatakdang sagupain ni Pacquiao si Spence sa Las Vegas, Nevada.

 

 

At kung maibabalik ang WBA crown sa Pinoy pug, magsisilbi nang unification fight ang Pacquiao-Spence mega bout na inaasahang tatabo sa takilya.

Other News
  • Pacquiao kumasa sa hamon ni Pres. Duterte

    Kumasa na si Senator Manny Pacquiao sa hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ituro sa kanya ang opisina ng gobyerno na sangkot sa kurapsyon.     Sinabi ng senador na mismo ang pangulo ang nagsabi noong Oktubre 27, 2020 na lalong lumala ang kurapsyon kaya gugugulin niya ang natitirang taon sa panunungkulan para labanan ang […]

  • PBA may banta sa mga player

    Binantaan ng Philippine Basketball Association (PBA) ang mga manlalaro na sikretong nakikipag-usap at nakikipagnegosasyon sa mga foreign clubs matapos ang balitang maraming manlalaro ang target kuhanin ng Japanese B.League squads bilang Asian import.   Kahapon, pinaalalahanan ni Commissioner Willie Marcial ang mga player kaugnay na kanilang live contracts sa kani-kanilang mga PBA ballclub kaya hindi sila dapat nakikipagnegosasyon sa mga foreign team. […]

  • Mike Enriquez malaking kawalan sa media industry

    NAKIISA si Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa pagdadalamhati ng industriya ng media at iba pang nagmamahal sa pumanaw na beteranong brodkaster ng GMA-7 na si Mike Enriquez.       Inilarawan ni Speaker si Enriquez bilang isang walang kapagurang media practitioner, isang anti-corruption, anti-abuse, at anti-wrongdoing crusader.       “He was a champion of […]