• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Marcial, 3 pang Olympic-bound magsasanay sa Amerika

Hindi lamang si middleweight Eumir Felix Marcial ang ipapadala ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) sa isang training camp sa Colorado Springs, USA.

 

 

Magsasanay din sa na­sabing kampo ng US boxing team sina Olympic-bound flyweight Irish Magno, fea­therweight Nesthy Petecio at light flyweight Carlo Paalam, ayon kay ABAP president Ricky Vargas.

 

 

Ang nasabing hakbang ng boxing association ay para mabigyan ng magandang ensayo at paghahanda sina Marcial, Magno, Petecio at Paalam sa kanilang pagsabak sa 2021 Olympics sa Tokyo, Japan.

 

 

Nakatakda ang quadrennial event sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.

 

 

Nagmula ang tubong Zamboanga City na si Marcial sa Dubai, United Arab Emirates kung saan siya nakuntento sa bronze medal matapos makalasap ng 0-5 kabiguan kay Jafarov Saidjamshid ng Uzbekistan sa kanilang semifinals match.

 

 

Nakakuha rin ng tansong medalya sina Pinay light flyweight Josie Gabuco, light flyweight Mark Lester Durens at bantamweight Junmilardo Ogayre sa nasabing torneo.

 

 

Bukod kina Marcial, Magno, Petecio at Paalam ang iba pang sasabak sa 2021 Tokyo Olympics ay sina 2016 Rio de Janeiro Olympic silver medalist at weightlifter Hidilyn Diaz, pole vaulter Ernest John Obiena, gymnast Carlos Edriel Yulo, taekwondo jin Kurt Barbosa at rower Cris Nievarez.

Other News
  • SOLUSYON SA PANDEMYA, GUSTONG MARINIG NG SIMBAHAN SA SONA

    UMAASA na may ginawa o gagawin at gagawin ng pamahalaan bilang tugon sa pandemyang nararanasan ng Pilipinas ang nais na marinig ni Manila Apostolic Bishop Broderick Pabillo sa nakatakdang ika-5 State of the Nation Address ng Pangulong Rodrigo Duterte.     Ayon kay Manila Apostolic  Bishop Broderik Pabillo na  ito ang pangunahing suliranin ng bansa […]

  • BULAKENYO TAEKWANDO MEDALISTS

    SINA Gob. Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alexis C. Castro kasama ang mga Bulakenyong nagkamit ng medalya sa Taekwondo sa ginanap Lingguhang Pagtataas ng Watawat sa Bulacan Capitol Gymnasium, Lungsod ng Malolos, Bulacan kahapon, na nagwagi ng 13 medalya sa 6th Heroes Taekwondo International Championship 2023 na ginanap sa Bangkok, Thailand noong Hulyo 2023, […]

  • Mayor ISKO, mas maganda na tapusin ang full term bago tumakbo bilang Pangulo

    NANUMPA na si Manila Mayor Isko Moreno bilang party president ng Partido Demokratiko noong nakaraang linggo.     Ibig sabihin ba nito ay tatakbo siyang president next year bilang standard bearer ng partido na binuo ng yumaong senador na si Raul Roco?     Hindi pa naman nagdedeklara ng kanyang candidacy si Yorme Isko pero kung kami ang […]