• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 drug suspects nalambat sa Navotas buy-bust

ARESTADO ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng higit sa P.6 milyon halaga ng shabu sa buy-bust operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala ni Navotas Police Chief Col. Rolando Balasabas ang naarestong mga suspek na si Michael Manalaysay, 41 ng M. Domingo St. Brgy. Tangos North at Jayson Esguera, 40 ng Silahis St. Brgy. Tanza 1.

 

Ayon kay Col. Balasabas, nakatanggap ng report ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa pagbebenta umano ng illegal na droga ng mga suspek sa lungsod kaya’t isinailalim sila sa monitoring at surveillance operation.

 

Nang makumpirma ang ulat, nagsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Genere Sanchez ng buy-bust operation sa M. Domingo St. alas-8 ng gabi na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na umaktong buyer.

 

Nakuha sa mga suspek ang aabot sa 101 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P686,000.00 ang halaga, buy-bust money at P500 bill.

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Julia, mukhang sineryoso ang sinabi ni Kim kahit katuwaan lang

    SAGOT kay Kim Chiu nga ba ang recent Instagram post ni Julia Barretto?   Yun talaga ang pumasok sa isipan namin nang mabasa namin ang caption pa lang niya.   At nang mabasa nga namin ang mga comments ng netizen, pareho rin ang naging impression.   Ang caption kasi ni Julia, “Out here minding my […]

  • DINA, humanga sa nadiskubre sa co-star na si JAY na isang mapagmahal na ama

    HUMANGA ang aktres na si Dina Bonnevie sa nadiskubre niya sa co-star niyang si Jay Manalo sa lock-in taping nila ng Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday.   Ibang-iba raw pala si Jay sa tunay na buhay kaysa ginagampanan niyang mga roles sa mga seryeng ginagawa niya.   “Nakita kong isa pala siyang butihin […]

  • Paggamit ng QR code sa mga palengke at pagbabayad ng pamasahe sa mga traysikel sa buong bansa, pinag- aaralan-PCO

    MASUSING pinag-aaralan ngayon ng pamahalaan ang hangarin ng gobyerno na ipatupad ang cashless na pagbabayad sa mga palengke at pamasahe sa mga traysikel sa buong bansa.     Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na ito’y sa pamamagitan ng Quick Response o QR code.     Ayon sa PCO,  makakatuwang ng gobyerno sa inisyatibang ito […]