COVID-19 vaccines protektahan vs ‘brownouts’ sa Luzon
- Published on June 3, 2021
- by @peoplesbalita
Nag-abiso na ang Department of Energy (DOE) sa ibang ahensya ng pamahalaan na gumawa ng kaukulang hakbang para maproteksyunan ang mga bakuna na nakaimbak sa mga ‘cold storage facilities’ dahil sa posibleng ‘rotational brownouts’ sa loob ng isang linggo o hanggang Hunyo 7.
“Dapat patuloy ‘yung coordination natin sa IATF sa ating mga opisyales — local and national officials — para masigurado na protektado ‘yung ating mga storage facilities for our vaccines,” ayon kay DOE Undersecretary William Fuentebella.
Iminungkahi nila na magkaroon ng ‘triple backup system’ para masolusyunan ang sitwasyon. Nakapaloob dito ang back-up na solusyon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), sa mga distribution utility at sa mismong lokasyon ng mga storage facilities.
Ito ay makaraang ilagay sa ‘yellow at red alert status’ ang Luzon grid. Ang ‘yellow status’ ay nangangahulugan na manipis ang suplay ng kuryente sa isang lugar habang ang ‘red alert’ ay maaaring magpatupad na ng ‘brownout’.
Ayon kay NGCP spokesperson Cynthia Alabanza, maaaring magtuluy-tuloy ito hanggang Hunyo 7 maliban tuwing Sabado at Linggo na mas mababa ang demand sa kuryente.
Kasalukuyang nasa 11,408 megawatts lamang umano ang nakahandang kapasidad na mas mababa sa 11,593 megawatts na kailangan sa ‘peak demand’.
Upang masolusyunan ito, maaaring magpatupad ang NGCP ng ‘manual load dropping (MLD)’ o ‘rotational brownout’ sa ilang bahagi ng Luzon.
Sinabi ni NGCP Luzon System head Beng Abadilla na inaasahan na babalik sa normal ang sitwasyon sa enerhiya sa Hunyo 8 dahil babalik na sa ‘online operation’ ang mga pangunahing planta na nag-emergency outage.
Umaasa ang DOE na tataas ang reserbang enerhiya ng bansa sa pagdating ng mga ulan at bagyo na magiging dahilan sa pagbaba sa demand sa kuryente ng publiko dulot ng paggamit ng mga air-conditioning units at electric fans. (Daris Jose)
-
Saso minalas pero nagbulsa ng P1.3M
HINDI nagging maganda ang pagtatapos na laro ni Yuka Saso, may maalat na four-over 76 para makuntento lang sa five-way tie sa 13th place, lubog ng pitong palo sa nag-reynang si Nippon Saki Nagamine sa wakas nitong Linggo ng 53rd Japan Ladies Professional Golf Association (JLPGA) Minolta cup 2020 sa JFE Seto Inland Sea Golf […]
-
PBA players OK sa pagsasagawa ng bubble games tulad sa NBA
Karamihan sa mga PBA players ay sang-ayon na maglaro sa bubble o semi-bubble para pagsisimula ng 2020 season ng liga. Sinabi PBA Commissioner Willie Marcial, na walang magiging problema sa mga manlalaro kahit na limitado ang kanilang mga galaw. Gaya aniya na ipinatupad ng NBA ay susunduin sila ng shuttle mula sa venue at […]
-
Nicolas Cage As Dracula First Look Revealed In New Movie Set Photos
First Look of Nicolas Cage As Count Dracula from the set of ‘Renfield” NICOLAS Cage is a very pale-looking Dracula in first look photos from the set of Renfield. Nicholas Hoult plays the vampire’s unwilling assistant in the upcoming horror-comedy from The Tomorrow War director Chris McKay. Renfield also stars Awkwafina, Ben Schwartz, Adrian Martinez […]