Kai ready lang para sa Gilas Pilipinas
- Published on June 3, 2021
- by @peoplesbalita
Nakahanda si Kai Sotto anuman ang maging role nito sa Gilas Pilipinas na sasabak sa dalawang malalaking FIBA tournaments ngayong buwan.
Solong dumating kahapon si Sotto mula sa Amerika kung saan hindi nito kasama ang kanyang pamilya dahil sa availability sa flight.
“Walang flight for five (persons) kaya ako lang mag-isa. Dapat kasama ko buong family ko,” ani Sotto.
Diretso si Sotto sa quarantine hotel ang 7-foot-3 cager kung saan sasailalim ito sa 14-day quarantine period.
Dahil sa quarantine, hindi na makakasama pa ni Sotto ang Gilas Pilipinas sa training camp sa Inspire Sports Academy.
Matatapos ang quarantine ni Sotto dalawang araw bago magsimula ang FIBA Asia Cup Qualifiers.
Gayunpaman, handa si Sotto anuman ang maging desisyon ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) coaching staff.
“Ako naman stay ready lang ako maglaro kahit kailan pa yan hanggang nandito ako sa Pilipinas,” ani Sotto.
Sabik na si Sotto na makapaglaro sa national team kasama ang Gilas Pilipinas.
“Excited na ako na maglaro. First time ko na makapaglaro sa national team ng Pilipinas. Sobrang excited na ako hindi na ako makapaghintay na makasama yung team,” ani Sotto.
-
Free trade deal, ‘win-win strategy’ para sa Pinas at EU-PBBM
HUMINGI ng suporta si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa European Union-ASEAN Business Council (EU-ABC) at European Economic Community (EEC) para sa pagpapatuloy ng negosasyon para sa free trade agreement (FTA) sa pagitan ng Pilipinas at EU. Ani Pangulong Marcos, ang pagtatatag ng isang bilateral FTA ay “win-win strategy” para sa dalawang partido, sabay […]
-
‘Mix and match’ trial sa COVID-19 vaccines sasalang sa Hunyo
Sisimulan na sa susunod na buwan ang pag-aaral sa ‘mix-and-match’ ng COVID-19 vaccine brands habang ang bansa ay hindi pa nakatatanggap ng matatag na supply ng mga doses. Ayon kay Science and Technology Sec. Fortunato dela Peña, ang mixing and matching trial ay tatagal ng 18-buwan na lalahukan ng 1,200 indibiduwal. […]
-
Alert Level 3 para sa NCR may ‘good chance’, – Sec. Roque
HABANG patuloy na bumababa ang kaso ng Covid -19, sinabi ng Malakanyang na may “good chance” ang National Capital Region (NCR) na i-downgrade o ibaba sa Alert Level 3, stage ang bagong coronavirus (COVID-19) response system na ikinasa sa rehiyon. Layon nito na payagan ang mas maraming negosyo at aktibidad para magbalik operasyon. […]