KRIS, pinasaya nang husto si JOSH sa bonggang birthday gift nila ni BIMBY
- Published on June 5, 2021
- by @peoplesbalita
NAG-POST si Queen of All Media Kris Aquino ng heartfelt message para sa kanyang panganay na si Joshua Aquino na nag-celebrate ng 26th birthday kahapon, June 4.
Sa kanyang IG at Facebook post na kung saan ibinahagi rin niya ang isang video sa outreach program bilang selebrasyon na kung saan namigay siya ng 800 grocery packs sa mga taga-Tarlac.
Caption ni Kris, “June 4, 1995, i was so NOT READY to be a mama… in many ways kuya josh helped me grow up. He was just 3 years old when it became just the 2 of us… because never kong tinago sa inyo that he is a special child, that he’s in the autism spectrum, oftentimes na bully sya lalo na pag may pulitikang involved, BUT di hamak mas marami ang nagtanggol at nakaramdam ng pureness ng puso nya at ng kanyang genuine na generosity at ang hindi nya pagpili sa kakaibiganin at bibigyan ng respeto – for kuya kung mabait ka at nagpakita ng kabutihan higit dun ang lambing at pagmamahal na isusukli nya.
“I have often said life isn’t perfect BUT it does have many wonderful moments. Hindi possible for kuya josh, bimb, and me to share our blessings had you not given me the trust and support you have. Nakabalik ako sa trabaho, and i’d like to consider that my true career started because you accepted me with all my flaws & strengths 4 months after i gave birth to my panganay. Lahat ng meron kaming mag nanay, nanggaling sa trabaho ko na sinuportahan ninyo. Habang kakayanin, patuloy namin ibabalik sa inyo yung blessings that you gave the 3 Aquinos.
“Happy birthday, Kuya Josh, we love you.”
Dagdag pa ni Kris, “Special thanks to @niceprintphoto for this video and @charissetinionp. @phildada for being our point person in Tarlac. @darylyap805 & his @puregold Pampanga team. Jasper Tan & #Unipak for the special “kris” price. My inaanak @mabellada for the coordination, and cuz @boss1020 & @jcbuendia_ for going all the way. Gov Susan Yap and sa mga Tarlaqueños na mahal na mahal ni kuya josh, yes, as he said he’s living there forever.
“Buti pa ang Tarlac at si Kuya- may FOREVER! #lovelovelove.”
Sa naturang video, kitang-kita nga ang saya ni Josh sa bongang-bongga na sopresang regalo nina Kris at Bimby, na isang golf cart na agad naman sinakyan at minaneho ni Kuya Josh, kasabay sa kanyang pasasalamat sa ina at kapatid.
Bahagi naman ng letter ni Kris, “Thank you sa Tarlac, sa second district especially, kasi binigay nyo kay Kuya Joshang ang tunay na kapayapaan at ang lugar kung saan siya pinaka-maligaya.
“Bilang Mama niya, basta happy ang panganay ko, at nasa lugar na maganda para sa health niya, walang magiging mas happy pa.”
(ROHN ROMULO)
-
Maraming Pinoy kulang ang tiwala sa vaccination program ng bansa- SWS
Marami pa ring mga Filipino ang nagtitiwala sa vaccination program ng gobyerno laban sa COVID-19. Ito ang lumabas na restulta ng survey na isinagawa ng Social Weather Station (SWS). Base sa survey na mayroong 51 percent ng mga Filipino adults ang nagtitiwala sa programa ng gobyerno na kinabibilangang ng 18 percent […]
-
Bulacan, ipinagdiwang ang gay pride, kinoronahan ang kauna-unahang La Baklakenya sa Singkaban Festival 2024
LUNGSOD NG MALOLOS – Bumida ang matitingkad na kulay ng LGBTQ+ communities nang parehong ipagdiwang ng Singkaban Festival ang pagiging inklusibo at pamanang kultural sa pamamagitan ng Bulacan Gay Pride 2024 sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center dito kamakailan. Dinaluhan ang gala night ng iba’t ibang LGBTQ+ federations na may mahigit […]
-
Skyway Stage 3, toll free pa – TRB
Libre pa ring magagamit ng mga motorista ang Skyway Stage 3 hanggang hindi pa naisasapinal ng Toll Regulatory Board (TRB) ang panukalang toll rates dito. Ayon kay TRB Spokesperson Julius Corpus, hangga’t hindi pa nagbibigay ng pormal na pag-apruba ang TRB sa ipinapanukalang toll rates sa Skyway Stage 3 ay hindi pa rin […]