‘NBA nalugi ng $8.3-B dahil sa COVID pandemic’
- Published on October 30, 2020
- by @peoplesbalita
UMAABOT umano sa 10 porsyento o katumbas ng $8.3 billion ang ikinalugi ng NBA para sa 2019-2020 season dahil sa epekto ng coronavirus pandemic.
Sa naturang halaga kabilang umano sa dahilan nang pagsadsad sa kita ng NBA ay mula sa gate receipts na umaabot ng $800 million bunsod nang kawalan ng mga fans sa mga laro.
Gayundin nasa $400 million ang nawala sa mga sponsorships at merchandise.
Lumutang din ang malaking pagkalugi ng NBA na umaabot sa $200 million nang i-ban ng China ang panonood ng laro sa kanilang mga telebisyon matapos na suportahan ng dating general manager ng Houston Rocket na si Daryl Morey ang Hong Kong freedom.
Samantala sa katatapos lamang na NBA bubble sa Orlando, Florida, sinasabing kahit papaano raw ay medyo nakabawi ang liga nang kumita na umaabot sa $1.5 billion sa revenue.
Kung hindi aniya natuloy ang NBA bubble ito rin ang dagdag na matinding kalugian na malaki ang epekto sa operasyon ng mga teams at sweldo ng mga players. (REC)
-
Aplikasyon para sa pagpasok at pre-enrollment sa Bulacan Polytechnic College, nagsimula na
LUNGSOD NG MALOLOS– Maaari nang magsimula sa proseso ang mga Bulakenyong estudyante na nagnanais na magpatuloy ng libreng pag-aaral sa pagbubukas ng Bulacan Polytechnic College ng aplikasyon para sa pagpasok at pre-enrollment para sa Taong Pampaaralan 2021-2022 noong Abril 22, 2021 at tatagal hanggang Agosto 15, 2021. Sinabi ni Gobernador Daniel R. Fernando na hindi […]
-
NAVOTAS SCHOLARS TUMANGGAP NG ALLOWANCE
TUMANGGAP ang academic scholars ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng kanilang allowance para sa March hanggang June 2021. Nasa 62 beneficiaries ng NavotaAs Academic Scholarship ang nakatanggap ng P4,000-P20,800 educational assistance. 55 dito ang high school students, dalawa ang college, at lima ang teachers. “Metro Manila will be under Enhanced Community […]
-
Mga pagkilala at suportang pinansyal, bumuhos sa mga bayaning tagapagligtas
BUMUHOS ang mga pagkilala at pinansiyal na suporta para sa mga bayaning tagapagligtas sa ginanap na espesyal na pagpupugay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan para sa kanilang kabayanihan na tinawag na “Salamat at Paalam… Luksang Parangal para sa mga Bayaning Tagapaglistas! sa Bulacan Capitol Gymnasium dito kahapon. Sa ngalan nina George E. Agustin […]