Temporary deployment ban muna ng OFW sa Saudi – DOLE
- Published on June 8, 2021
- by @peoplesbalita
Pansamantalang ipinataw ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang temporary deployment ban patungong Kingdom of Saudi Arabia.
Ito ay may kaugnayan sa hinihinging karagdagang requirements ng mga employers sa mga Filipino workers.
Mismo si Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Bernard Olalia ang nagkumpirma sa temporary deployment ban.
Napag-alaman na nakatanggap ang DOLE ng reports na ang mga ipinadalang OFWs ay hinihingian ng kanilang mga employers o foreign recruitment agencies na sila ang magbayad sa gastos sa health and safety protocol for COVID-19 at insurance coverage premium pagpasok nila sa ibang bansa.
Dahil dito, ipinatupad muna ng DOLE ang temporary suspension sa deployment ng overseas Filipino workers patungong Kingdom of Saudi Arabia epektibo kaagad hanggang sa maglabas ng bagong kautusan ang ahensiya. (Daris Jose)
-
‘Uninterrupted’ gov’t services sa Sulu, titiyakin ng administrasyong Marcos-Pangandaman
TITIYAKIN ng administrasyong Marcos na mananatiling tuloy-tuloy at walang hadlang ang serbisyo ng gobyerno sa lalawigan ng Sulu. Ito ang sinabi ng Department of Budget and Management (DBM). Inihayag ang commitment na ito nang ang Intergovernmental Relations Body (IGRB), binubuo ng mga kinatawan mula sa national at Bangsamoro governments, nagpulong noong Oct. 11 […]
-
Isang tao lang ang papayagang lumabas kada pamilya kapag nagsimula na ang two-week ECQ sa MM- Padilla
SINABI ni National Task Force against COVID-19 Spokesperson Restituto Padilla Jr. na isang tao lamang sa kada pamilya ang papayagan na lumabas ng bahay para bumili ng pagkain at iba pang pangangailangan sa oras na magsimula na ang two-week Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila. Ito’y habang hinihintay pa ang guidelines na gagamitin […]
-
Anomalya sa ‘TUPAD’ program ng DOLE pina-iimbestigahan sa Kamara
PINAIIMBESTIGAHAN ni Senior Citizen Party-list Representative Rodolfo Ordanes ang napaulat na umano’y katiwalian ng ilang organisasyon sa “Tulong Panghanapbuhay sa mga Disadvantaged/Displaced Workers” o TUPAD Program ng Department of Labor and Employment (DOLE). Sa inihaing House Resolution No. 506 ni Rep. Ordanes kanyang hinimok ang angkop na Komite na imbestigahan ang natanggap nilang […]