JOHN LLOYD, nag-trending dahil inabangan ang first tv appearance; ganun na lang ang pasasalamat kay WILLIE
- Published on June 8, 2021
- by @peoplesbalita
INABANGAN at nag-trending nga sa Twitter Philippines ang first appearance ni John Lloyd Cruz sa Shopee 6.6 tv special last Sunday, na ginanap sa Smart Araneta Coliseum at napanood sa GMA-7.
Si Willie Revillame ang host/producer ng show at dahilan sa pagbabalik ni John Lloyd sa Kapuso Network.
Binigyan ni Willie ng bonggang introduction at exposure si John Lloyd na umaming nanginginig at naninibago sa muling paglabas niya sa telebisyon makalipas ng maraming taon.
Mas naging sentimental nang kantahin ni John Lloyd ang “Yakap,” na pinasikat noong 1979 ng Spanish singer na si Junior, na bumagay ang lyrics sa kanyang pagbabalik-telebisyon.
Mainit ang pagsalubong ni Willie kay John Lloyd at ganun na lang ang pasasalamat niya sa host ng Wowowin.
“This is the first time for more than four years.
“Welcome back on TV! Ngayon ka lang nakita.
“Nakikita ka sa social media pero siyempre, iba ang telebisyon.
“Buong mundo, pinapanood ka.
“Lloydie, ano ang nararamdaman mo?” ang sabi ni Willie kay John Lloyd.
“Nagpapasalamat sa’yo, nandito ako,” sagot ni JL.
“Excited to be back! Kuya Willie, nandito ako dahil sa’yo, thank you, thank you!”
Halatang naging emotional si John Lloyd pero pinigilan niya na mapaluha habang nagsasalita si Willie.
“Pinagdaanan ko din ‘yan,” kuwento ni Willie.
“Maraming tao ang tumulong sa akin pero ang importante, Lloydie, nakausap kita. Nagkausap tayong dalawa, napakaganda ng puso mo, napakaganda ng pagkatao mo.
“Mahal na mahal mo si Elias, mahal na mahal mo iyong anak mo. Nami-miss ka naming lahat.
“Ang galing mo! Fan mo ako, fan mo kaming lahat dahil napakabuti mong tao at napakagaling mong artista!”
Dagdag pa niya, “Sa totoo lang, lahat ng GMA artists, gusto kang makasama sa isang pelikula.
“Lloydie, iyong sumuporta sa’yo na sambayanang Pilipino, I think sila ang dapat mong pasalamatan kaya ka nandito. Nadidinig ko, nararamdaman ko ang pagmamahal sa’yo ng tao.
“Welcome back sa industriya kung saan ka nagsimula at alam ko dito tayo magtatapos din.
“Welcome back, John Lloyd Cruz!!!”
Pinakita rin sa nasa audience sina Maja Salvador at ang fiancé and business partner na Rambo Nunez para sa suportahan ang newest talent ng Crown Artist Management at tinatawag ni John Lloyd kanyang new manager na si “Ms. M”.
Hindi naman nakalimutan ni Willie na banggitin ang plano nila ni John Lloyd na magsama sa isang programa ng GMA-7 na tulad ng mga nasulat na, isa itong sitcom at posibleng makasama nila si Andrea Torres, kung walang magiging aberya sa negosasyon.
“Abangan n’yo ho, abangan n’yo, magsasama kami ni Lloydie sa pagbibigay ng saya sa inyo, sa primetime show.
“Abangan n’yo dito sa GMA-7!”
(ROHN ROMULO)
-
Duterte personal na sinalubong pagdating ng 2.8-M doses ng Sputnik V
Pinangunahan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsalubong nitong Lunes ng gabi sa pagdating ng 2.8 million doses ng Sputnik V sa Villamor Air Base sa Pasay City. Ang malaking bulto ng bakuna mula sa Russia ay binili ng gobyerno. Nagbigay naman ng maiksing talumpati ang pangulo kung saan pinasalamatan niya ang […]
-
Pagkamatay ng mag-ama sa pamamaril sa Navotas, kinondena ni Tiangco
MARIING kinondena ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang nangyaring madugong pamamaril ng dalawang hindi kilalang salarin na ikinamatay ng isang mag-ama at ikinasugat ng dalawa pang katao sa naturang lungsod. Nagpaabot din ng kanyang taos pusong pakikiramay si Mayor Tiangco sa pamilya ng mga biktima at nangakong ibibigay sa kanila ang […]
-
DOH, nilinaw ang posibilidad na muling ibalik sa Alert Level 2 ang NCR
NILINAW ng Department of Health ang posibilidad na muling ibalik ang Alert level 2 sa mga lugar na nasa pinakamaluwag na Alert level 1. Ayon sa DOH, nakadepende pa rin ito sa matrix ng Alert level system sa ilalim ng guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF). Ang paglilinaw na ito ng […]