• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, muling nanindigan sa posibilidad na pagbabalik ng death penalty

MULING nanindigan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa muling pagbuhay ng parusang kamatayan.

 

Giit ng Pangulo, basta’t karumal-dumal na krimen lalo na’t ginawa ang krimen sa mga inosente sabi ng Pangulo ay dapat pang na maibalik ang capital punishment.

 

Aniya, hindi naman pinawalang saysay kundi sinuspinde lamang ang death penalty.

 

“I have always been for the restoration of the death penalty. Wala man — the law was — I think the law was not abrogated, suspended lang. So wala. Sinuspend (suspend) lang ‘yong mga — just ‘yong the act of killing a criminal,” ayon sa Pangulo.

 

” Ako, basta heinous crime, heinous crime, drugs tapos ‘yong nangyayari ng — sabi mo ‘yong the atrocities committed against so many innocent persons. Iyong bata diyan sa Makati na kinatay, ipinako pa diyan sa kawayan,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

 

Sa kabilang dako, sinabi naman ng Punong Ehekutibo na hanggang ngayoy hindi pa rin daw maintindihan ng human rights ang sitwasyon lalo na ng mga pulis na kailangang depensahan ang kanilang mga sarili laban sa mga kriminal.

 

“Kaya ako — iyan ang hindi maintindihan ng human rights. Iyan ang hindi maintindihan ng human rights. Sabi nila na ‘wag mong patayin, idemanda mo. Well, kung madala pa. Usually maglaban ‘yan eh. Eh ayaw nila maniwala ‘yan minsan desperate mag-agaw ng baril. Totoo man.

 

In my — siguro sa pagka-mayor ko, tatlong beses ‘yang inagawan ng baril. Inagawan ng baril, namatay pa ang pulis. Inagawan ng baril, patay ang pulis. Akala nila drama ‘yan eh. Wala ‘yan… I am for the restoration of…,” lahad ng Punong Ehekutibo.

 

Binigyang diin ng Pangulo na hindi drama lang ang panlalaban at pang- aagaw ng baril ng ilang mga nahuhuling kriminal na nuong alklade pa lamang siya’y tatlo niyang mga pulis ang nalagas dahil sa ganitong mga insidente. (Daris Jose)

Other News
  • PSC 2021 BUDGET APRUB NA SA SENATE COMMITTEE

    INAPRUBAHAN na sa Senate committee level ang proposed budget ng Philippine Sports Commission para sa 2021 sa ginanap na virtual hearing na pinangunahan ni Committee on Sports chairman, Senator Bong Go, kasama sina Senators Imee Marcos at Nancy Binay.   Sa kanyang opening state- ment, binati ni Go ang PSC dahil sa overall championship finish […]

  • Astrazeneca ‘mabenta’

    Kanya-kanyang pareserba ang iba’t ibang local goverment units (LGUs) sa Metro Manila ng COVID-19 vaccine mula sa pharmaceutical giant na AstraZeneca buhat sa United Kingdom para sa kanilang mga constituents.   Nagkakahalaga ang mga Ito ng mula sa multi-milyon hanggang sa bilyong piso kumporme sa budget ng mga lungsod.   Ang Maynila ay bibili ng […]

  • Libreng sakay ng MRT-3 malaking ginhawa para sa mga APORs

    Menos gastos at maginhawang biyahe ang dulot ng libreng sakay ng MRT-3 para sa mga bakunadong Authorized Persons Outside Residence (APORs), sa nagpapatuloy ng nasabing programa ngayong nasa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang NCR.     Ayon sa mga bakunadong APORs, malaki ang naititipid nila sa libreng pamasahe araw-araw at magmula noong August 21. […]