• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Galvez, humingi ng paumanhin sa publiko dahil sa vaccination delay sa ilang LGUs

HUMINGI ng paumahin si Vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa publiko dahil sa vaccination delay sa ilang local government units (LGUs) bunsod ng kakulangan ng suplay ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

 

Tiniyak ni Galvez sa publiko na magiging normal ang sitwasyon sa Hunyo 14.

 

Ani Galvez, nagkaroon ng problema matapos na magkaubusan ng suplay ng bakuna. Idagdag pa ang demand para sa bakuna ay “high across the globe.”

 

Kamakailan ay sinabi ni Galvez na tinatayang may 10 milyong doses ang inaasahan na darating sa bansa ngayong buwan habang 11 milyon naman ang inaasahan na darating sa buwan ng Hulyo.

 

Gayunman, ang mga lalawigan sa labas ng National Capital Region Plus — na kinabibilangan ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal, at Laguna —ay prayoridad dahil sa mataas na COVID-19 cases.

 

Ani Galvez, may 60% ng bakuna na darating ngayong buwan ng Hunyo ang ibibigay sa mga lalawigan habang 40% ang inilaan para sa NCR Plus. (Daris Jose)

Other News
  • Kahit nalungkot sa ‘kawalan ng respeto’: ICE, masaya dahil malaya na ang ‘Dabarkads’ kaya sulong lang

    SA Instagram post ni Ice Seguerra noong Miyerkules, nagpahayag ito na hindi maipaliwanag ang nararamdaman sa pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon sa producer ng ‘Eat Bulaga!’ na TAPE Incorporated.     Sa panimula ng Asia’s Acoustic Sensation, “Hindi ko naiintindihan ang nararamdaman ko. Lungkot ba o saya?     “Malungkot […]

  • OVERSTAYING NA CHINESE NATIONAL INARESTO SA PROSTITUTION

    INARESTO ng  Bureau of Immigration (BI) ang isang overstaying na  Chinese national matapos na puwersahang pagtrabahuin ang isang babaeng Korean  bilang isang prostitutes sa kanyang mga kababayan dito sa Pilipinas.     Sa report kay Immigration Commissioner Jaime Morente ni  BI intelligence division chief Fortunato Manahan Jr. kinilala ang dayuhan na si Jin Mingchun, 35 […]

  • Pinay Muay Thai athletes nagbigay ng 1st gold medal para sa PH

    UMEKSENA rin nitong araw ang Women’s Wai Kru Mai All-Female event ng Pilipinas matapos magbulsa ng gold medal.     Ang team ay binubuo nina Islay Erika Bomogao at Rhichein Yosorez na nakapagtala ng score na 8.68.     Samantala, nauwi naman sa silver medal ang kampanya ng Fencing Women’s Team ng Pilipinas na kinabibilangan […]