• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Safety Seal Certification, inilunsad sa Navotas

INILUNSAD sa Lungsod ng Navotas ang Safety Seal Certitification program para sa pagpapakita ng pagsunod ng business establishments sa minimum health standards.

 

 

Pinangunahan ni nina Congressman John Rey Tiangco, Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya at Vice-Mayor Clint Gernonimo launching at Ceremonial Awarding nito na ginanap sa Puregold Navotas Branch.

 

 

Ayon kay Cong. Tiangco, ang Safety Seal ay isang pisikal na pagpapakita ng pagsunod ng business establishments sa minimum health standards na required ng gobyerno laban sa pagkalat ng Covid-19.

 

 

Ito ay base aniya sa compliance checklist ng DOLE-DOH-DILG-DOT-DTI Joint Memorandum Circular No. 21-01 Series of 2021 at ng DILG Memorandum Circular 2021-053.

 

 

Sinabi pa ni Cong. JRT na kabilang ang Puregold, Mc Donalds at Jolllibee sa mga establishments na may Safety Seal sa Lungsod ng Navotas. (Richard Mesa)

Other News
  • Ads September 24, 2021

  • Mga doktor kabado sa Alert Level 3 sa Metro Manila

    Nangangamba ang mga doktor sa bansa sa desisyon ng pamahalaan na ibaba ang Alert Level 3 sa Metro Manila kahit na hindi pa umano nakakahinga ang mga doktor matapos ang ‘surge’ sa mga kaso ng COVID-19.     Sinabi ni Dr. Maricar Limpin, pangulo ng Philippine College of Physicians, na nag-aalala rin sila na baka […]

  • 73 matatandang inabandona ng kanilang pamilya sa Valenzuela, bakunado na

    INIHAYAG ni Mayor Rex Gatchalian na nabigyan na ng kanilang unang dose ng CoronaVac kontra COVID-19 ang nasa 73 matatandang inabandona ng kanilang mga pamilya sa lansangan ng lungsod.     “Remember the 73 senior citizens who were abandoned by their families and now live in ‘Bahay Kalinga,’ it’s their turn to be vaccinated,” ani […]