• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2% pa lang ng 109 milyong Pinoys ang bakunado

Aabot pa lamang sa dalawang porsyento ng populasyon ng bansa ang nakakumpleto na ng bakuna kontra COVID-19 may halos tatlong buwan makaraan ang umpisa ng ‘vaccination program’ ng pamahalaan.

 

 

Ayon kay Health Undersecretary at treatment czar Dr. Leopoldo Vega, halos dalawang milyon pa lamang sa 109.48 milyong populasyon ng bansa ang nakakumpleto na ng dalawang dose ng bakuna mula nang umpisahan ang vaccination nitong Marso 1.

 

 

Inamin ni Vega na sa naturang numero, mahihirapang maabot ang target nila na makapagpabakuna ng 50% hanggang 70% ng populasyon ng bansa bago matapos ang kasalukuyang taon.

 

 

Para maabot ang naturang target, kailangang mabakunahan ang average na 500,000 indibidwal kada araw. Ngunit magdedepende umano ito sa mga dumadating na suplay ng bakuna sa bansa.

 

 

Una nang humingi ng paumanhin si vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa pagkabinbin ng delivery ng mga bakuna sa ilang lokal na pamahalaan.

 

 

Ipinayo ni Vega na mga brand na AstraZeneca, Sinovac at iba pang bakuna na hindi masyadong sensitibo sa temperatura ang dalhin sa mga malalayong lugar upang maserbisyuhan rin ang mga mamamayan sa mga kanayunan.

Other News
  • Balik-tanaw sa 18th Asian Games 2018

    NAKOBERAN po ng inyong lingkod ang 18th Asian Games sa mga lungsod ng Jakarta at Palembang sa Indonesia noong Agosto 18-Setyembre 2, 2018.   Dalawa lang kami ni kasamang Manolo ‘Bong’ Pedralvez ng Malaya Business Insight na na-aasigned sa Palembang. Ang mga kasama namin sa Philippine media pool na sina Lorenzo Lomibao, Jr. ng Business […]

  • Ads May 6, 2021

  • Pag-angkat ng 150K metric tons ng asukal, kailangan para matugunan ang posibilidad ng kakulangan – PSA

    NAGPALIWANAG ang sugarcane regulatory Administration sa pangangailangang mag-angkat ng asukal mula sa ibang bansa.     Kahapon nang opisyal na inaprubahan ni Pangulong Marcos ang pag-angkat muli ng 150,000 metrikong tonalada ng asukal dahil sa posibilidad ng kakulangan sa mga darating na buwan.     Ayon sa SRA, magkakaroon ng negative ending stock ang bansa […]