• January 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Balik-tanaw sa 18th Asian Games 2018

NAKOBERAN po ng inyong lingkod ang 18th Asian Games sa mga lungsod ng Jakarta at Palembang sa Indonesia noong Agosto 18-Setyembre 2, 2018.

 

Dalawa lang kami ni kasamang Manolo ‘Bong’ Pedralvez ng Malaya Business Insight na na-aasigned sa Palembang. Ang mga kasama namin sa Philippine media pool na sina Lorenzo Lomibao, Jr. ng Business Mirror, Rierra Mallari ng Manila Standard, Randy Caluag ng Ripples Daily, Angelito Oredo ng Bandera, Peter Paul Patrick Lucas ng Sports Radio at freelance photographer Noilon Reyes, mga nadestino lahat sa main hub sa Jakarta.

 

Sa may 16 na araw ko sa nasabing lungsod ng South Sumatra Province, nakoberan ko ang gold medal performance ni Margielyn Arda Diday sa women’s street skateboarding.

 

Gayundin ang mga pagpasok sa finals ng ating mga paddler sa traditonal boat race at canoe, at muntikanang pagsampa sa bronze matches ng ating sepak takraw team, soft tennis squad, at mga pagkabigo ng tenpin bowling, lawn tennis, at shooting.

 

Madalas akong nakakakita ng mga atletang mga malulungkot at ang iba mga umiiyak sa sandaling sila’y matalo sa mga bawat laban nila sa iba’t ibang playing venue.

 

Masisilayan mo ang lalim at lawak ng kanilang pagka-patriotic o pagmamahal sa kanilang bansa sa paraang iyon. Matagal silang humahagulgol at nalulungkot talaga sa aking obserbasyon ang maraming mga nanatalong manlalaro sa kanilang laban.

 

Sa ating mga Pinoy, iyon ang kulang.

 

Kasi pagkatapos na pagkatapos ng bawat laban kapag talo, parang normal lang ang lahat sa ating mga atleta. Wala akong nakitang umiyak sa ating mga manlalaro o atleta sa 2018 Asiad. At madali rin silang makabalik sa normal na sitwasyon tapos matalo.

 

Isa pang nasilip ko ay ang sobrang palakaibigan ng ating mga athlete sa kapwa nila mga oposisyong player.

 

Sana lang magawan ng paraan ito nina Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William Ramirez at Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham Tolentino.

 

Masasabi ba nating kababawan , hindi naman siguro lahat, ang pagmamahal nila sa ating inang bayan kung ihahambing sa ilang kapwa nila players.

Other News
  • First ‘LAIR’ Trailer Reveals a New Twist on the Classic Haunting Horror Movie

    1091 Pictures has dropped the first trailer and poster for LAIR, and Collider has your exclusive look at the feature debut from director Adam Ethan Crow that promises a new twist on the classic haunted horror flick.      LAIR, which had its World Premiere at FrightFest and screened at Salem Horror Fest this month, will be released […]

  • Libreng sakay ng MRT-3 malaking ginhawa para sa mga APORs

    Menos gastos at maginhawang biyahe ang dulot ng libreng sakay ng MRT-3 para sa mga bakunadong Authorized Persons Outside Residence (APORs), sa nagpapatuloy ng nasabing programa ngayong nasa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang NCR.     Ayon sa mga bakunadong APORs, malaki ang naititipid nila sa libreng pamasahe araw-araw at magmula noong August 21. […]

  • Ilang basic education student, bagsak na grado ang nakuha sa Science at Math

    NAKAKUHA ng bagsak na grado sa agham at matematika ang ilang basic education student mula sa  ilang pribadong eskuwelahan na sumali  sa isang assessment na layong masolusyonan ang tinatawag na learning loss.     Ang learning loss ay ang pagkawala ng kaalaman na karaniwang epekto ng mahabang puwang o matagal na pagkakahinto sa edukasyon ng […]