• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Travel ban sa 7 bansa pinalawig – BI

Muling ipatutupad ng Bureau of Immigration (BI) ang ekstensyon sa travel ban sa pitong bansa upang maiwasang makapasok ang Indian variant ng COVID-19 hanggang sa Hunyo 30.

 

 

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na ito ay bilang pagsunod sa utos galing sa Malacañang na huwag pa ring papasukin ang mga biyahero mula sa mga bansang India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, at Oman.

 

 

“Those with a travel history from these countries within the last 14 days before arrival are also temporarily banned from entering,” ayon kay Morente.

 

 

Hindi naman sakop nito ang mga ‘transiting passengers’ o iyong gagawing ‘stop-over’ lamang ang Pilipinas at hindi naman lalabas ng mga paliparan.

 

 

Patuloy pa rin naman ang restriksyon sa pagpasok sa bansa ng mga dayuhang turista maliban na lamang kung may awtorisasyon buhat sa Department of Foreign Affairs (DFA). (Gene Adsuara)

Other News
  • Yulo tututok sa 3 events sa Paris Olympics

    Tatlong events ang paghahandaan ni world champion Carlos Edriel Yulo sa men’s artistic gymnastics competition ng 2024 Paris Olympics.     Hindi lamang naka­sentro si Yulo sa kanyang paboritong floor exercise event dahil pagtutuunan din nito ng pansin ang vault at parallel bars.     “Tatlo talaga yung kaya kong pasukan, alam ko sa sarili […]

  • PUV drivers na magbayad ng kanilang fare matrix ng hanggang Setyembre 2023

    BINIGYAN  ng Land Transportation Franchising and Regulatory (LTFRB) ng hanggang Setyembre 2023 ang mga Public Utility Vehicles (PUV) drivers para makapagbayad ng kanilang bagong fare matrix.     Ito ang lamang ng inilabas na Board Resolution No. 173, na nagbibigay ng dalawang options ang mga drivers para mabayaran ang kanilang matrix.     Ang unang […]

  • Locsin, ipinag-utos na ang paghahain ng diplomatic protests laban sa patuloy na panghihimasok ng China sa EEZ ng Pinas

    IPINAG-UTOS na ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., araw ng Huwebes, Setyembre 30, sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang paghahain ng diplomatic protests laban sa China dahil sa patuloy na presensiya nito at ng iba pang mga aktibidad sa West Philippine Sea.   Ang kautusan na ito ni Locsin ay isinapubliko sa pamamagitan […]