• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SHARON, binuweltahan ang mga bashers na nanglait at nandiri; proud bilang Carmela sa ‘Revirginized’

PATULOY ngang pinag-uusapan ang ‘tequilla body shot’ scene nina Sharon Cuneta at Marco Gumabao para sa Revirginized ng Viva Films na mapapanood ngayong Agosto sa Vivamx.

 

 

Noong isang araw lang, nag-trending ng almost six hours ang ‘Mega is Revirginized’ na umabot sa Top 9, kaya pinasalamatan ng Megastar ang kanyang mga Sharonians.

 

 

Samantala, sa rami ng natanggap na panglalait ni Sharon dahil sa still photos na pinost ni Direk Darryl Yap sa kanyang Facebook account, may buweltang post siya sa kanyang mga hater at basher.

 

 

Kasama sa post niya ang isang video na kuha sa movie nila ni Marco, na marami na talaga ang excited na mapanood ang kabuuan ng movie na kung saan proud na proud siya sa character na ginampanan sa Revirginized.

 

 

Sa simula ng kanyang IG post, “In the end, no matter how our movie does or what people say, I will still ALWAYS LOVE CARMELA, my character in ‘Revirginized.’

 

 

“Thank you for her, Direk Darryl. Thank you Marco my Pawi – though short, really sweet – for helping me to relive my 20s in our scenes.

 

 

“Thank you, dearest CARMELA – my alter-ego/Sasha Fierce – for taking me on an adventure unlike any I could have ever imagined I would be going on in my 50s!

 

 

“I’m a gaddam good ACTOR and darn PROUD OF IT! Hahahahaha!

 

 

“At sorry po Direk Darryl!!! Di mo po pinadala eh di pinost ko. Hahaha! Laaab yu! @vincentimentsofficial @gumabao.marco.”

 

 

Buwelta pa niya, “At sa mga bashers, pag 55 na kayo at malapit lapit ang itchura nyo sa akin ngayon, chaka lang kayo magkaka-K mandiri! Yuck kayo! Hahahahaha!”

 

 

Samantala, aliw na aliw naman si Sharon sa viral na ‘cartoon face art’ na ginawa ng mga Sharonians na kanyang ni-repost, meron pa ngang buong pamilya ang ginawa ng nakakaaliw na face art.

 

 

Post nga ni Sharon, “Am so aliw with these apps that I wanna be in a cartoon hahaha!”

 

 

***

 

 

PARA sa virtual Pelikulaya: LGBTQIA+ Film Festival sa taong ng Film Development Council of the Philippines, handog nito ang PLUS sa LGBTQIA+ sa pagbibigay ng marami pang films na magha-highlight ang beauty and strength of this colorful community.

 

 

Kahapon, June 18, 2021, napapanood na ang pelikula ni Adolfo Alix Jr.’s: 4  Days, Daybreak, Porno, at Muli sa ilalim ng SUBSCRIPTION tab.

 

 

Mapapanood din for free ang short film nina Janina Gacosta at Cheska Marfori na, Ang Gasgas na Plaka ni Lolo Bert, under the BASIC tab.

 

 

Panoorin ang eleven (11) promising and critically acclaimed LGBTQIA+-centric films for only Php99.00/month; and since we love the diversity here, you can watch five (5) films for free.

 

 

Available pa rin ang Cannes Film Festival 2019 Best Screenplay and Queer Palm awardee, Portrait of a Lady on Fire, sa halagang Php220.00/7-day access and will expire 48 hours after its first play.

 

 

Let us continue to promote inclusivity and diversity through PelikuLAYA: LGBTQIA+ Film Festival. 

 

 

Mag-register na at mag-subscribe sa WWW.FDCPCHANNEL.PH.

 

 

Mabuhay ang Pelikulang Pilipino!

(ROHN ROMULO)

Other News
  • ‘Proud dad moment’: DINGDONG at ZIA, kinatuwaan ng netizens sa kanilang latest TVC

    KINATUWAAN ng mga netizens ang TV commercial ng mag-amang Dingdong at Zia Dantes para sa isang online selling app.     Kaya sabi ni Dingdong “proud dad moment” sa kanya habang ginagawa nila ang commercial na dinirek ng dalawang directors that he respects and admires, sina director Cathy Garcia-Molina at Dan Gonzales.       […]

  • Pinuri dahil kayang-kaya na gumawa ng action scenes: AJ, dedma na lang sa isyung ‘buntis’ at ‘di rin apektado ang ama na si JERIC

    NAGTATANONG ang mga fans ni AJ Raval kung nagbabagong image na ba ng kanilang idol dahil nagulat sila after watching AJ sa Sitio Diablo.   Hindi kasi inaasahan ng mga fans na sasabak ito sa matitinding action scenes sa bagong obra ng cult director na si Roman Perez, Jr.   Pero in fairness kay AJ, […]

  • Duterte, nanawagan sa United Nations

    Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte ng pantay na pag-access sa COVID-19 vaccine. Sa kanyang virtual speech sa United Nations General Assembly (UNGA), sinabi nito habang maraming bansa ang nagkukumahog na makagawa ng bakuna laban sa COVID-19 ay dapat maging available ito sa mga mahihirap na bansa gaya ng Pilipinas. Dapat ring maikonsidera itong “global public […]