CONDOTEL para sa mga seamen ipapatatayo sa NCR – DOTr
- Published on June 22, 2021
- by @peoplesbalita
Nagkaisa ngayon ang Department of Transportation (DOTr), Marino Partylist at Associated Marine Officers’ and Seamen’s Union of the Philippines (AMOSUP) na magtayo ng CONDOTEL para sa mga seafarers.
Ang pagsasama ng grupo ay isinabay sa pagpirma sa Memorandum of Understanding (MOU) kaugnay sa 47th Anniversary ng MARINA.
Ang pagpapatayo ng CONDOTEL ay bilang pagkilala umano sa papel ng mga seaman sa ekonomiya ng bansa tulad na lamang sa pagpapadala ng mga foreign remittances at iba pang mga economic activities.
Paliwanag ng mga opisyal, karamihan daw ng mga Filipino seafarers ay nagmula sa ibang mga lugar sa bansa ay walang matirhan sa National Capital Region (NCR) habang nag-aantay ng kanilang deployment o kaya pagdating ng pilipinas.
Makikinabang din ang mga seaman na nagtatrabaho sa mga inter-island shipping.
Todo pagmamalaki naman si Transportation Secretary Art Tugade na proyekto dahil magandang balita raw ito para sa mga marino na magawan sila ng CONDOTEL o gusali kung saan sila doon mananatili, pansamantalang maninirahan at doon din magagabayan.
“Napakagandang pangitain na kung nagse-celebrate tayo ng Anibersaryo, binibigyang importansya ang mga marino. In fact, the highlight of today’s gathering can be summed up into two. Una ay ang pagpirma ng Memorandum of Understanding regarding CONDOTEL na pinapakita natin sa mga marino – na para bang sinasabi ng MARINA – nandirito at gagawa kami ng gusali na kung saan doon kayo mananatili, doon kayo maninirahan at doon kayo gagabayan. Napakagandang pangitain,” ani Tugade.
-
“Structurally complete” na ang northbound section ng Skyway Extension
Ang northbound section ng Skyway Extension ay “structurally complete” na at ang kulang na lamang ay ang paglalagay ng aspalto na gagawin sa katapusan ng buwan. Ito ang sinabi ni SMC president Ramon Ang sa isang pahayag na inilabas ng San Miguel Corp. “I’m happy to announce that soon, we can […]
-
PBA may banta sa mga player
Binantaan ng Philippine Basketball Association (PBA) ang mga manlalaro na sikretong nakikipag-usap at nakikipagnegosasyon sa mga foreign clubs matapos ang balitang maraming manlalaro ang target kuhanin ng Japanese B.League squads bilang Asian import. Kahapon, pinaalalahanan ni Commissioner Willie Marcial ang mga player kaugnay na kanilang live contracts sa kani-kanilang mga PBA ballclub kaya hindi sila dapat nakikipagnegosasyon sa mga foreign team. […]
-
Lalaking armado ng shotgun, dinampot sa Malabon
BAGSAK sa kalaboso ang isang lalaki nang posasan ng pulisya makaraang maaktuhan may bitbit na shotgun na kargado ng bala habang pagala-gala sa Malabon City. Sa imbestigasyon ng Malabon police, nakatanggap ng sumbong mula sa mga residente sa Pilapil St., Brgy , Catmon ang mga tauhan ng Police Sub-Station-4 hinggil sa isang lalaki […]