• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P102-M halaga ng shabu nasabat ng PNP at PDEA sa Malate, Manila; Chinese national arestado

Arestado ng mga operatiba ng PNP at PDEA ang isang Chinese drug suspect sa ikinasang
anti-illegal drug operations sa Malate, Manila kung saan nasa P102-million halaga ng iligal na droga ang nasabat sa kaniyang posisyon.

 

 

Kinilala ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar ang naaresting Chinese national na si CHEN ZHINZUN/Yu Sison Tabuen “a.k.a” Ryan/ Chen.

 

 

Ayon kay Eleazar, isisilbi sana ng pinagsanib na pwersan ng PNP-DEG, PDEA, PNP, AFP TF NOAH, NICA at Manila City Hall SMART ang search warrant na inisyu ni 2nd Vice Executive Judge Carolina Icasiano-Sison ng RTC Branch 18 laban sa suspek na nakatira sa Unit 1605, Royal Plaza Twin Tower, Remedios St., Malate, Manila.

 

 

Sa nasabing operasyon nasa 15 kilo na hinihinalaang shabu ang nasabat sa suspek na may market value na P102-million.

 

 

Sinabi ni Eleazar na ang suspek na Chinese ay kilalang distributor ng illegal drugs sa NCR at karatig rehiyon.

 

 

Naaresto na rin ito sa ikinasang buy-bust operation nuong June 13,2021 sa isang parking laot sa Paranaque City.

 

 

Binigyang-diin ni PNP Chief, ang pagkakaresto sa drug suspek na Chinese ay babala para sa iba pang foreign nationals na sangkot sa pagbebenta ng illegal drugs.

 

 

Siniguro ni Eleazar, mas lalo pang palalakasin ng PNP ang kanilang kampanya laban sa iligal na droga sa pakikipag tulungan sa PDEA hanggat makamit nila na maging drug free ang bansa. (Gene Adsuara)

Other News
  • Transport groups naghain ng mosyon sa SC pabor sa PUV modernization

    NAGHAIN ng mosyon ang iba’t ibang transport groups sa pangunguna ng Pasang Masda sa Supreme Court (SC) upang ipakita ang kanilang suporta sa PUV mo­dernization program.     Pinangunahan ni Pasang Masda president Ka Obet Martin ang paghahain ng “motion for intervention” na layon ding harangin ang petisyon para sa temporary restraining order (TRO) na […]

  • P18 bilyong piso, nawawala kada araw – Malakanyang

    HINDI na naitago pa ng Malakanyang ang kaakibat na hindi magandang epekto kung patatagalin pa ang modified enhanced community quarantine (MECQ) lalo na sa National Capital Region. Ito’y sa kabila ng wala pa namang pasiya sa kung ano ang susunod na quarantine protocol na ipatutupad sa Agosto 18.   Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, […]

  • SERBISYO NG LOKAL NA PAMAHALAANG LUNGSOD NG MAYNILA, TULOY-TULOY SA KABILA NG IPATUTUPAD NA ECQ

    TINIYAK ng lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila na sa kabila ng ipatutupad na dalawang linggong Enhance Community Quarantine (ECQ) simula sa Biyernes ay tuloy pa din ang kanilang pagbibigay ng serbisyo sa publiko partikular na sa mga Manilenyo.     Batay sa inilabas na memorandum ni Manila City Administrator Felixberto Espiritu sa lahat ng […]