• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30 wala pang 2nd dose ng bakuna laban sa Covid -19

PINASINUNGALINGAN ng Malakanyang ang naunang pahayag ni Presidential Security Group (PSG) Commander Jesus Durante III na ” fully vaccinated” na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, “mistakenly informed” di umano si Durante ng kanyang medical staff na nabigyan na nga ng second dose si Pangulong Duterte.

 

“This is in reference to the remarks of Presidential Security Group (PSG) Commander BGEN Jesus Durante III on President Rodrigo Roa Duterte receiving a second dose of the anti-COVID-19 vaccine,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Gen. Durante was Further, Gen. Durante has admitted, apologized and rectified his earlier remarks. We hope this clarifies the matter,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Bago pa ito, may text message si Sec. Roque sa media na nagsasabing “ES said that details of their conversation should be kept private. Gen Durante has personal knowledge of 2nd shot. It was given after EUA was granted to Sinopharm,” na taliwas sa sinasabi nito ngayon.

 

Nauna rito, kinumpirma ni Durante sa isang panayam na ” fully vaccinated” na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

Aniya, dahil sa sunud-sunod ang mga aktibidad ni Pangulong Duterte kaya’t kailangan na mabigyan na ito ng kanyang 2nd dose ng bakuna.

 

“Si Pangulo po ay vaccinated na po siya at napakahalaga po nito, para lalo namin siyang maingatan, lalo na magagawa niya nang maayos at tuluy-tuloy ang kaniyang tungkulin, upang makapaglingkod sa ating mga kababayan,” ayon kay Durante

 

Nangyari aniya ito matapos ang 14 na araw mula nang mabigyan ng first dose ng Sinopharm si Pangulong Duterte.

 

“Opo, at nai-televise naman iyon. Yeah, fourteen days after yung activity, nagkaroon po siya ng second dose,” anito.

 

Samantala, mahigpit namang ipinatutupad ng PSG ang seguridad kay Pangulong Duterte.

 

 

“So simula noong mag-start pa lang ang pandemic, we have remained consistent sa strict enforcement ng aming security, as well as health and safety protocols. We never put our guards down from the very beginning. And we are proud to say that the President remains safe from the virus,” ayon kay Durante. (Daris Jose)

Other News
  • Pinaiyak sila ng mga anak dahil sa ‘Moon River’: ALFRED, humingi ng dasal sa maselang pagbubuntis ni YASMINE

    SA latest Instagram post ni Councilor Alfred Vargas, ibinahagi niya ang video ng recital ng dalawang anak na sina Alexandra and Aryana na kung saan mapuso nilang kinanta ang “Moon River”.     Simula ng caption ng aktor ang part ng kanta na talaga namang nakaka-touch at isa rin sa favorite song namin mula nang […]

  • Barko ng Pinas hinabol ng Chinese vessels

    NAGKAHABULAN ang barko ng Pilipinas at Chinese vessels hanggang sa matagumpay na naisagawa ng bansa ang resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal nitong Biyernes.           Ito’y ayon sa Philippine Coast Guard, tila pelikulang nangyari nang habulin ng Chinese vessels ang barko ng Pilipinas na nakalusot sa gitna ng mga pagharang […]

  • Palalakasin ang slot ng A2Z, Kapamilya Channel, at TV5: Noontime show nina VICE at BILLY, sanib-pwersa nang mapapanood

    SANIB-PWERSA ang Lunch Out Loud at It’s Showtime para palakasin ang noontime slot ng A2Z, Kapamilya Channel, at TV5.     Simula sa Sabado, July 16, simula starting at 11 am back-to-back na mapapanood na ang dalawang programa. From 11 am to 12:45 pm ay mapapanood ang Lunch Out Loud tapos papasok naman ang It’s […]