Travel ban sa ilan bansa na nakitaan ng mataas na kaso ng Covid -19 at may Delta variant, extended-Sec. Roque
- Published on July 1, 2021
- by @peoplesbalita
EXTENDED ang ang travel ban sa ilang mga bansang nakitaan ng mataas na kaso ng Covid -19 at may Delta variant.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, hanggang Hulyo 15 ang pag-iral ng travel ban sa mga bansang tulad ng United Arab Emirates, India, Pakistan, Sri Lanka at Bangladesh.
Hindi naman nabanggit niSec. Roque kung kasama ang Oman at Nepal.
Ani Sec. Roque, layunin nitong maiwasang may makalusot na Delta variant papasok sa Pilipinas.
Sinasabing hanggang bukas, Hunyo 30 na lamang dapat ang travel ban sa mga bansang ito subalit pinalawig pa ng palasyo, bilang bahagi ng paghihigpit sa border.
-
Ads August 29, 2022
-
LGus, kasama na sa A4 priority list na matuturukan ng covid 19 vaccine
KASAMA na ang mga opisyal ng local government units (LGU) sa “A4” priority na matuturukan ng Covid-19 vaccine. Makakasama ng mga ito sa priority list ang iba pang frontline personnel sa essential sectors kabilang na ang uniformed personnel at nasa working sectors. “A4 po ata ha, but I could be wrong, pero kasama na sila […]
-
Operasyon ng MRT 3 hinto muna
Hinto muna ang operasyon simula kahapon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID 19 na may naitalang186 workers ang infected. Sinabi ng management ng MRT 3 na baka sakaling hanggang Sabado pa abutin ang pagsasara ng nasabing rail line. “The shutdown may be extended […]