• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P9-B natirang Bayanihan 2 fund, ‘di na magagamit

Tuluyan nang hindi magagamit ang umaabot sa P9 billion na pondong nakalaan sana sa pagtugon ng pamahalaan laban sa epekto ng COVID-19.

 

 

Bagama’t hindi ito tuluyang masasayang, obligado naman ang gobyerno na ibalik ang naturang salapi sa national treasury.

 

 

Una nang iminungkahi ng ilang opisyal na palawigin na lang sana ang bisa ng Bayanihan 2 hanggang Disyembre 31, 2021.

 

 

Pero malabo namang makapagpasa ng agarang batas ang Kongreso dahil naka-break pa ang sesyon hanggang sa araw ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 26, 2021.

 

 

Isinisi naman ng ilang kongresista sa kabagalan ng mga ahensya ng gobyerno na maipatupad sa tamang panahon ang mga programang nakapaloob sa Bayanihan 2.

 

 

Kabilang sa maaapektuhan ng expiration ng batas, ang pagpapatuloy ng recovery at stimulus programs, service contracting at free rides sa ilang bahagi ng ating bansa. (Daris Jose)

Other News
  • Ilang flights sa NAIA terminal 2, ililipat sa NAIA terminal 1

    SIMULA Disyembre 1 ay ililipat na ang  ilang mga flights mula NAIA Terminal 2 patungo sa NAIA Terminal 1.     Sa Laging Handa public briefing, inanunsyo ni Manila International Airport Authority (MIAA) assistant general manager Brian Co  na gagawin nila ang hakbang upang ma-decongest ang NAIA Terminal 2 dahil na din sa dami ng […]

  • Halos 11,300 katao naapektuhan ng hagupit ng Typhoon Betty — NDRRMC

    LIBU-LIBO na ang naapektuhan ng Typhoon Betty sa iba’t ibang bahagi ng Luzon at Visayas, ito habang patuloy na nasa ilalim ng Signal no. 2 ang Batanes at ilang bahagi ng Cagayan.     “A total of 2,859 families or 11,264 persons were affected,” wika ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ngayong Martes. […]

  • MMDA, nagpaalala sa publiko na asahan ang mabigat na trapiko sa Disyembre 21

    PINAYUHAN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta dahil magaganap ang “Parade of Stars 2022” para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) sa Quezon City sa Disyembre 21.     Ang parada, na hino-host ng Quezon City local government unit (LGU), ay magtatampok ng mga float na […]