Game fixing malala sa dalawang liga sa bansa
- Published on October 1, 2020
- by @peoplesbalita
SINIWALAT kamakailan ng dating player ng Philippine Basketball Association o PBA na si Gerald ‘Gerry’ Esplana, na malala ang game fixing sa dalawang liga sa bansa.
Ito aniya ay sa Maharlika Pilipinas Basketball League o MPBL at sa National Collegiate Athletic Association o NCAA.
Naging coach ng Valenzuela City sa MPBL at sa Emilio Aguinaldo College sa NCAA ang 1990 PBA Rookie of the Year tapos huguting second round, ninth overall pick ng Presto Tivoli sa nasabing taong Rookie Draft.
Idinagdag ng graduate sa Far Eastern University ng University Athletic Association of the Philippines o UAAP, na isa mga player niya (EAC Generals) ang nabisto niyang nagbebenta ng laro.
Pero mas malala aniya ang game fixing sa MPBL na nilipatan niya tapos ng college stint o coaching job sa Aguinaldo.
Pero sa dami ng koponan sa semi-professional league, mahirap aniyang mabantayan ang lahat ng galaw ng mga may ari ng bawat team, mga manedyer, coach at lalo na ng mga player.
Dinugtong ng 13-year pro league veteran at magsi-54-anyos sa Oktubre 27, na ginawang raket na at kabuhayan ang game fixing at point shaving ng ilang manlalaro sa paliga (MPBL) ni Sen. Emmanuel Pacquiao.
Marahil aniya na dahilan na rin sa mababa ang allowances na galing sa liga, kaya napipilitan na humanap ng dagdag na mapagkakakitaan ng mga basketbolista kahit sa iligal na diskarte.
Siyempre nais matuldukan ang masamang gawaing ito para sa kabutihan ng sports sa pangkalahatan. (REC)
-
Hot Shot star Marc Pingris magreretiro na sa PBA
Magreretiro na sa paglalaro ng Philippine Basketball Association (PBA) si Magnolia Hot Shot player Marc Pingris. Isinagawa nito ang anunsiyo sa sarili nitong social media account kung saan ikinuwento niya ang unang sabak niya sa PBA noong 16- taon na ang nakakaraan. Hindi aniya nito malimutan ng tawagin ang kaniyang pangalan […]
-
Spider-Man: No Way Home’s First Trailer Spins a Whole New Adventure
SONY Pictures and Marvel Studios have just dropped the first trailer for Spider-Man: No Way Home, the third entry in the two studios’ co-stewardship of the latest cinematic Spider-Man. Tom Holland’s latest solo outing as Spider-Man has given us a glimpse of what to expect, and it seems like Peter Parker’s not quite so happy to […]
-
Ads October 1, 2024