PNP sinuspinde ang ‘BMI policy’ sa pagdidyeta bilang requirement sa promotion ng mga pulis
- Published on July 15, 2021
- by @peoplesbalita
Inaprubahan na ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar ang rekomendasyon ng Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) na suspindihin ang requirement ng Body Mass Index (BMI) para sa promotion ng mga pulis.
“I already approved it,” mensahe na ipinadala ni PNP chief Eleazar.
Sa memorandum na inilabas ni M/Gen. Rolando Hinanay ng Directorate for Personnel and Records Management (DPRM), inirekomenda nito sa pamunuan ng PNP na suspendihin ang requirement ng BMI para sa promotion ng mga pulis.
Paniwala ni Hinanay, mas prayoridad nila ang kalusugan at kapakanan ng kanilang mga tauhan.
Paliwanag ng heneral, marami sa mga pulis ngayon ang hindi kayang maabot ang kanilang BMI o tamang timbang dahil sa kawalan ng exercise nang magsimula ang pandemic.
Ang mga nasa frontline sa mga checkpoint at oolice stations ay hindi rin kayang i-mantine ang kanilang BMI dahil sa kanilang trabaho nang tumama ang COVID 19.
Hindi rin umano inirerekomenda ang biglaang pagpapayat para lang makuha ang nararapat na BMI dahil delikado ito sa kalusugan ng mga lulis.
Aminado ang pamunuan ng PNP na marami sa mga pulis ngayon ang bagsak sa kanilang BMI o Body Mass Index (BMI) dahil marami sa mga pulis ang tumaba dahil umano sa haba ng lockdown.
Ang BMI requirement ay bahagi ng physical fitness program ng PNP. (Gene Adsuara)
-
Cool Smashers umentra sa semis
PORMAL nang nagmartsa sa semis ang Open Conference champion Creamline matapos patalsikin ang Chery Tiggo sa pamamagitan ng pukpukang 25-14, 25-20, 21-25, 28-26 desisyon kagabi sa Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference sa The Arena sa San Juan City. Sumulong ang Cool Smashers sa ikaapat na panalo para saluhan ang Cignal HD sa […]
-
HOSPITAL OCCUPANCY SA MM NASA DANGER ZONE NA
KINUMPIRMA ni Health Usec. Ma. Rosario Vergeire na nasa “danger zone” na ang mga hospital sa Maynila dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nahahawaan ng COVID 19. “Nasa danger zone tayo ngayon sa NCR, nakikita natin na talagang tumataas ang kaso sa ÇOVID 19 ,”ayon kay Vergeire. Nabatid na umakyat na sa […]
-
Jerald’s Cup 4-cocker, tutuka sa Marso 6 – Picazo
TINATAYA na ang 100 sultada sa taunang Jerald’s Cup 4-Cock Derby sa Biyernes, Marso 6 na maghuhudyat sa tag-init ng mga sabong sa Pasay City Cockpit. Ang beteranong sabungerong si Jerald Picazo ang punong abala para rito kung saan 40-50 katao ang kanyang mga inimbitahan sa derbing mga aayudahan ng Sagupaan Superfeeds at Complexor […]