NCR, nananatili sa ilalim ng GCQ- Roque
- Published on July 17, 2021
- by @peoplesbalita
INIREKOMENDA at inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Community Quarantine Classifications para sa iba’t ibang lugar sa bansa para sa mga nananatiling mga araw ng buwan ng Hulyo.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) ay ang National Capital Region, Baguio City at probinsya ng Apayao, City of Santiago, probinsya ng Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino, probinsya ng Bulacan, ang mga probinsya ng Cavite, Rizal, Quezon, at Batangas, ang Puerto Princesa, ang mga probinsya ng Guimaras at Negros Occidental, ang probinsya ng Zamboanga Sibugay, City of Zamboanga, Zamboanga del Norte, ang Davao Oriental, General Santos City, Sultan Kudarat, Sarangani, Cotabato, South Cotabato; sa CARAGA naman aniya ay ang Agusan del Norte, Surigao del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Island, Surigao del Sur; at sa BARMM ang Cotabato City.
Sa ilalim naman aniya ng GCQ “with heightened restrictions” ay ang probinsya ng Cagayan, Laguna, at Lucena City, Naga City, ang Aklan, Bacolod City at Antique, kasama ang probinsiya ng Capiz hanggang Hulyo 22; Negros Oriental, Zamboanga del Sur at Davao City.
Para naman aniya sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ay ang mga probinsya sa Region 3 ng Bataan; sa Region 6 ay ang Iloilo City at ang Iloilo province pero ito aniya ay hanggang Hulyo 22 lamang.
“Kung hindi po mag-improve ang ating mga numero ay posible po na mabago muli ang classification ng Iloilo City at Iloilo; sa Region 10, Cagayan de Oro City; sa Region 11, Davao Occidental, Davao de Oro, Davao del Sur, Davao del Norte; at sa CARAGA ay ang Butuan City,” pahayag ni Sec. Roque.
Sinabi ni Sec. Roque na ang lahat ng mga probinsya na hindi niya binanggit ay nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ). (Daris Jose)
-
No. 9 most wanted person ng NPD, nadakma ng Valenzuela Police sa SACLEO
KALABOSO na ang number 9 most wanted person ng Northern Police District (NPD) matapos masakote ng mga tauhan ng Valenzuela City Police sa Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operations (SACLEO) sa Pasig City. Kinilala Northern Police District (NPD) Director PBGEN Ulysses Cruz ang naarestong akusado bilang si Edrian Palisoc, 30, residente ng West […]
-
Ulat ng COVID-19 sa mga iskul, binubusisi ng DepEd
BINUBUSISI ng Department of Education (DepEd) ang natanggap na ulat na may ilang paaralan at school personnel ang nagka-COVID mula nang simulan muli ang pagpapatupad ng face-to-face classes sa bansa. Ayon kay DepEd Spokesperson Michael Poa, patuloy nilang inaalam ang report dahil wala pa silang ulat kung ilan ang nagkaroon ng virus sa […]
-
Tyrese Gibson, Reveals ‘Fast & Furious’ 10 and 11 Will Shoot Back-to-Back
F9 star, Tyrese Gibson, reveals that Fast & Furious 10 and 11 will shoot back-to-back. The ninth Fast & Furious movie has yet to premiere in the United States on June 25, and it is already breaking pandemic box-office records due to its performance in international markets. Furious 7 was the first in the series to gross a billion dollars worldwide […]