• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

55 Delta variant ng COVID-19 naitala sa bansa

May panibagong 55 Delta variant ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health.

 

 

Sa ngayon ay pumalo na sa 119 na mga Delta variant cases ang kumpirmadong local transmission ng nasabing virus.

 

 

Sa 55 na panibagong bilang ay isa na ang nasawi at 54 ang gumaling na.

 

 

Nasa 37 sa mga dito ay local cases habang 17 naman ay mga returning overseas Filipinos (ROF) na ang isang kaso ay kanilang mahigpit na biniberipika.

 

 

Sa 37 na local cases ay mayroong 14 kaso ay mula Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon), walo dito ay mul asa Northern Mindanao, anim na kaso ay sa Metro Manila, anim sa Central Luzon, dalawa sa Davao Region at isa sa Ilocos Region.

 

 

Dahil dito ay sinabi ng DOH na kailangan ngayon ng gobyerno ng mas mabilis na implementasyon ng response strategies. (Daris Jose)

Other News
  • Maging positibo pa rin – Gaston

    SIYAM na buwan sa buwang ito ang Coronavirus Disease 2019 o Covid-19 na pumerwisyo sa mundo sapul noong Marso ng taong ito.   Pero hindi pinanghihinaan  ng kalooban si University Athletic Association of the Philippines (UAAP) volleyball star Pauline Marie Monique ‘Ponggay’ Gaston, 23-anyos, dalaga at may taas na 5-10.   Sa Instagram account post […]

  • Pagbabayad sa kuryente, tubig, unti-untiin

    Kapwa nagpaalala ang mga pamunuan ng Manila Electric Company (Meralco) at ng Metropolitan Waterworks and Se­werage System (MWSS) sa kanilang mga kon­syumer na kung kakayanin ay unti-untiin na nilang bayaran ang kanilang mga nakonsumong kur­yente at tubig upang hindi magkapatung-patong ang kanilang bayarin.     Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, “Kung meron namang kakayahan […]

  • Tune-up games ng Gilas at China nagtapos sa draw

    Nagtapos sa 79-79 draw ang tune-games ng Gilas Pilipinas at China na ginanap sa Angeles City University Foundation Gym sa Pampanga.     Pinangunahan ni Kai Sotto ang national basketball team na nagtala ng 13 points.     Mayroong tig-12 points ang nagawa nina Ange Kouame at Jordan Heading at 9 points naman si RJ […]