• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bagsik ng Delta variant: Curfew hours sa NCR, papalawigin sa 6 na oras – MMDA chief

Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na mula sa apat na oras na curfew sa National Capital Region (NCR), ay asahang magiging anim na oras na ito.

 

 

Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos Jr., sa mga susunod na araw ay ilalabas nila ang bagong resolusyon kung saan nakasaad ang pinalawig na curfew hours sa NCR.

 

 

Nangangahulugan ito na mula sa dating alas-12:00 ng hatinggabi mula alas-4:00 ng madaling araw, papaagahin ito simula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw.

 

 

Alinsunod aniya ito sa napagkasunduan sa isinagawang pulong kahapon matapos ang biglang pagbabago rin sa quarantine classification dahil sa banta ng Delta variant ng Coronavirus Disease (COVID).

 

 

“Hanggang mapirmahan na lahat ia-announce ko na lang later on about it sa Metro Manila,” ani Abalos.

 

 

Nitong Huwebes nang kumpirmahin ng Department of Health ang pagkakaroon na ng local transmission ng mas nakakahawang Delta variant ng COVID na unang natukoy sa India.

 

 

Sa kasunod na araw naman nang bawiin muna ng Inter Agency Task Force ang resolusyon na nagbibigay permiso sa mga batang edad limang taon pataas na lumabas.

Other News
  • Geisler, PTA mag-ayos na

    PINATALSIK ng Philippine Taekwondo Association si two-time Olympian Donald David ‘Donnie’ von Geisler III bilang kasapi at dineklara ring persona non grata ni PTA chairman Dr. Manolo Gabriel.   “All rights and privileges granted to him as a PTA member has been deemed forfeited and terminated; Declared Persona Non Grata,” pahayag ng opisyal nitong Lunes. […]

  • P215-B ang ambag ng Petrochemical Industry sa ekonomiya ng bansa next year – PBBM

    TINATAYANG nasa P215 billion ang magiging ambag ng Petrochemical industry sa ekonomiya ng bansa sa susunod na taon.     Ito ang inihayag ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang tamulpati sa inagurasyon ng Expanded J-G Summit Petrochemicals manufacturing facility sa Batangas City.     Ayon sa Pangulo nasa kabuuang 6,2000 na direct at indirect […]

  • ‘Di lamang ilaw, haligi rin ng pamilya nila: DENNIS, naging emosyonal sa birthday message niya kay JENNYLYN

    DAHIL sa pag-o-open-up ni Pokwang sa social media ng mga pangyayari sa pagsasama nila ng ama ng bunsong anak na si Lee O’ Brian, may mga hindi sang-ayon sa ‘TikToClock’ host, may mga namba-bash dito.     Pero marami pa rin naman ang pumapanig.   Sa isang banda, personally, naiintindihan namin siya. Maaaring pangit lang […]