Palasyo itinangging idinawit si Hidilyn Diaz sa ouster matrix noon, kahit totoo naman
- Published on July 28, 2021
- by @peoplesbalita
Imbes na humingi ng tawad, itinanggi pa ng Malacañang na naglabas sila ng “matrix” na nagdadawit sa isang atletang Pinay sa pagpapabagsak ng gobyerno ngayong nanalo ang nabanggit sa Olympics.
Mayo 2019 nang maglabas ng listahan si dating presidential spokesperson Salvador Panelo patungkol sa mga nais daw mag-destabilisa sa gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte — kasama na rito ang 2021 Tokyo Olympics gold medalist na si Hidilyn Diaz. Si Panelo ay chief presidential legal counsel din.
“Hindi ko po alam kung ano ‘yung sinasabi niyong matrix kasi sa tanggapan ko po, iisa lang ang opisyal na spokesperson ng gobyerno. Ako lang po ‘yun,” ani presidential spokesperson Harry Roque.
“Wala po kaming ganyan.”
.
Wala ring balak na humingi ng tawad ang Palasyo sa kanilang “wow mali” moment noong 2019. “Wala po. As spokesperson, wala po akong kahit anong ibinintang kay Hidilyn Diaz,” ani Roque kanina.
Una nang pinagtawanan ni Diaz ang mga paratang. Ang pangalan kasi ng weightlifting queen, kasama sa diagram ng Palasyo na ikinakabit kay Rodel Jayme, taong nagpakalat daw ng “Ang Totoong Narcolist” na nag-uugnay sa Duterte family sa illegal drug trade.
“Hah? Ano yun? Sino si Rodel Jayme?” ani Hidilyn sa isang panayam sa ABS-CBN noon. Idinawit din noon sa naturang matrix ang journalist na si Gretchen Ho maliban sa iba pang mga progresibong personalidad at grupo.
Wala ring pinatunguhan ang diagram na inilabas ni Panelo, at ipinaliwanag noon na ibinigay lang ito sa kanya ng Office of the President.
Bagama’t isa si Panelo sa mga nagdiin kay Diaz bilang isa sa mga nais tumulong diumano sa pagpapabagsak sa gobyerno, nakuha pa niyang i-congratulate ang atleta sa kanyang pagkakapanalo kahapon sa women’s 55kg category ng weightlifting.
“Her feat makes us Filipinos proud. Her getting the gold is a testament to the Filipino race’s talent and indefatigable spirit,” wika ni Panelo, na presidential legal counsel na din ni Digong.
“It serves as an inspiration to all Filipino athletes that getting gold in the Olympics is no longer a cream but a reality. Congratulations, Hidilyn Diaz!!!”
Todo congrats din si Roque kanina, habang idinidiin na magbibigay ng milyun-milyong pabuya si Duterte kay Diaz maliban pa sa P35.5 milyon mula sa gobyerno at pribadong sektor.
“Iguguhit po natin sa kasaysayan ng Pilipinas ang pangalan ng Hidilyn Diaz, at ayaw ko munang ianunsyo dahil mapalaki pa, pero milyun-milyon po ang ipinangako ng presidente para sa makakakamit ng gintong medalya, at ang pribadong sektor ay naglaan din ng milyun-milyon,” dagdag pa niya.
“Kung anuman ang pagkukulang sa training, I’m sure na mababawi po lahat ‘yan doon sa generosity, hindi lang po ng pamahalaan kung hindi ng pribadong sektor, because she truly did us proud.”
-
Karapatan ng mga manggagawa na magwelga, aprubado sa Komite
INAPRUBAHAN ng House Committee on Labor and Employment ang draft substitute bill sa House Bill (HB) 7043, na naglalayong palakasin ang karapatan ng mga manggagawa na magwelga. Ipinaliwanag ni Deputy Speaker at TUCP Party-list Rep. Democrito Mendoza (Partylist, TUCP), may-akda ng panukala na, “The right to strike and to engage in concerted peaceful […]
-
Pacquiao nagpahiwatig ng posibleng pag-retiro kasunod nang pagkatalo vs Ugas
Kasunod ng kanyang unanimous decision loss kay Yordenis Ugas sa kanilang bakbakan kahapon sa T Mobile Arena sa Las Vegas, nagpahiwatig si Manny Pacquiao na posibleng isasabit na niya ang kanyang boxing gloves makalipas ang ilang dekadang pagsabak sa itaas ng lona. Sa kanilang post fight press conference, sinabi ni Pacquiao na maraming […]
-
Pinoy, binasag ang world record sa larangan ng jump rope
Nabasag ni Pinoy skipman Ryan Alonzo ang Guinness World Record sa pinakamaraming double under skip rope sa loob ng 12 oras kasabay ng isinagawang Jump to Greater Heights event. Nilampasan ng binansagang ‘skipman’ ang 20,000 Guinness mark of double skips kung saan nakapagtala ito ng 40,980 skips sa event mula umaga hanggang alas-sais […]