• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 timbog sa P183K shabu sa Malabon

BAGSAK sa kulungan ang tatlong hinihinalang sangkot sa ilegal kabilang ang isang bebot matapos makuhanan ng halos P.2 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa buy bust operation ng pulisya sa Malabon city, kamakalaw ang gabi.

 

 

Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na sina Jonathan Soriano, alias “Atan”, 31 ng Tulay  9, Brgy. Daang Hari, Navotas City, Allan Ruthirakul, 49, at Irene Flores, 42, kapwa ng 50B Esguerra St. Bisig ng Kabataan, Brgy. 2, Caloocan City.

 

 

Ayon kay PSSg Jerry G Basungit, dakong alas-11 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni Col. Barot ng buy-bust ng operation kahabaan ng P. Aquino Ave. Brgy. Tonsuya.

 

 

Kaagad inaresto ng mga operatiba ang mga suspek matapos bentahan ng isang platic sachet ng hinihinalang shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng P500 marked money.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang himigi’t kumulang sa 27 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P183,600 at buy-bust money.

 

 

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

 

Other News
  • PDu30, atras na maunang maturukan ng bakuna laban sa Covid- 19

    ATRAS na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa balak nitong maunang magpaturok ng bakuna laban sa COVID-19 sa oras na dumating ito sa bansa.  Sa public address ni Pangulong Duterte, Miyerkules ng gabi ay sinabi nito na prayoridad pa rin ang frontliners at mga mahahalagang manggagawa sa bansa. “Ang mga frontline na health workers; mauna […]

  • Patunay lang na maayos pa rin ang pagsasama: HEART, tinupad ang sinabing makakasama si Sen. CHIZ sa Bagong Taon

    “HAPPY 2023” ang nilagay na caption ni Heart Evangelista sa kanyang pinost na New Year photo sa Instagram kunsaan kasama niya ang kanyang mister na si Senator Chiz Escudero at ang dalawang anak nila. Tinupad nga ang ni Heart ang sinabi nito na magkikita na sila ng kanyang mister sa Bagong Taon. Bagama’t marami ang […]

  • MANILA LGU, PINAGHAHANDAAN NA ANG PAGBIBIGAY NG LIBRENG BAKUNA KONTRA COVID-19 SA MGA MANILENYO

    NAKAPAGPALISTA na sa “online pre-registration” ang mga Manilenyong intresadong mabakunahan kontra COVID-19 sa “on-line registration” matapos itong ilunsad ng lokal na pamahalaan ng Maynila.     Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, inilunsad ng pamahalaang lokal sa pamamagitan ng Manila Health Department ang online registration na www.manilacovid19vaccine.com upang maging maayos at mapaghandaan nila ang dami ng […]