• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

OCTA sa gov’t: Maging maagap vs Delta variant

Inirekomenda ng OCTA Research group sa pamahalaan na magpatupad na sa lalong madaling panahon ng “bold moves” gaya ng “circuit-breaker” lockdowns laban sa Delta variant sa Pilipinas.

 

 

Sa Laging Handa briefing kaninang tanghali, sinabi ni Dr. Guido David na ang reproduction number ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) ay pumalo na sa 1.33, malayong-malayo kung ikukumpara sa 0.68 lang sa nakalipas na buwan.

 

 

Sa ngayon, hindi pa aniya tukoy kung ano ang totoong dahilan sa pagtaas ng COVID-19 cases, pero posible na ito ay dahil sa Delta variant, na mas nakakahawa kung ikukumpara sa orihinal na strain ng coronavirus.

 

 

Ayon kay Professor Ranjiit Rye, nakakaranas na ng surge ang National Capital Region (NCR) sa mga nakalipas na araw, bagay na hindi aniya dapat balewalain o palampasin lamang.

 

 

Kapag hindi kasi aniya mapigilan ito, posibleng aabot sa 1,000 cases ang maitatala kada araw sa NCR lamang.

 

 

Kaya payo nila sa pamahalaan ay maging maagap tulad ng ginawa ng Australia at New Zealand para maiwasan na lumala pa ang sitwasyon tulad ng nangyari sa India at Indonesia kung saan hindi kinaya ng kanilang health care system ang sobrang dami ng mga naitatalang bagong kaso sa kada araw.

 

 

Kaugnay nito, hinikayat ng OCTA ang publiko na iwasan na muna ang pagkain sa labas gaya ng sa mga restaurant at pagdalo sa mga social gatherings.

 

 

Sinabi ni Rye na malaki ang posibilidad na kapitan ng virus ang isang tao lalo na kung hindi pa nababakunahan kontra COVID-19.

 

 

Sa ngayon, 119 na ang Delta variant cases sa Pilipinas. (Daris Jose)

Other News
  • DOH: Mga deboto na nagpunta sa Quiapo mag-self quarantine

    Upang makatiyak na hindi mahahawahan ang mga kapamilya kung sakaling nakakuha ng COVID-19, pinayuhan ng Department of (DOH) na mag-self quarantine muna ang mga deboto na nagtungo sa simbahan ng Quiapo nitong Sabado.   Sa Facebook post ng DOH, ipinayo nito na mas makabubuting obserbahan muna ng mga deboto ang kanilang mga sarili kung mayroon […]

  • Hindi pinangarap na maging sikat na sikat: JUDY ANN, inaming nawalan ng gana sa buhay kaya nagrebelde

    PARA sa ika-100 episode ng ‘Fast Talk with Boy Abunda’ kahapon, Martes, espesyal ang naging bisita ni King of Talk Boy Abunda.   Ang multi-awarded actress na si Judy Ann Santos nga ang nakasama ni Kuya Boy para sa isang heart-to-heart talk.   Naging emosyonal ang premyadong TV host sa pagpapakilala sa tinaguriang Soap Opera […]

  • GSIS, bibigyan ng isang “exclusive express lane” ang mga guro, tauhan ng DepEd- VP Sara

    BIBIGYAN ng “ultimate customer service” ng Government Service Insurance System (GSIS)  ang mga guro at iba pang personnel ng Department of Education (DepEd).     Ang tinutukoy ng GSIS na ultimate customer service ay isang exclusive express lane sa GSIS Central Office at regional branches nito para sa mga guro at tauhan ng nasabing departamento. […]