• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pdu30, nakipagkita kay Cayetano matapos na mag-alok ito na magbitiw bilang House Speaker

NAKIPAGKITA at nakipagpulong si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano , araw ng Miyerkules, ilang oras matapos mag-alok ang huli na magbitiw sa kanyang pwesto bilang House Speaker.

 

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, kasama sa meeting ng Pangulo ang asawa ni Cayetano na si Lani at ang kapatid nitong si Senador Pia Cayetano.

 

Kasama rin sa meeting si Rep. Eddie Villanueva, isang religious leader, para i-pray over si Pangulong Duterte.

 

Ayon kay Sec. Roque, naniniwala si Pangulong Duterte na ang speakership issue ay tapos na.

 

Binigyang-diin nito ang pangangailangan na maipasa ang 2021 budget sa takdang oras.

 

Hindi naman idinetalye ni Sec. Roque kung ano ang napag-usapan sa meeting.

 

Nauna rito, pumagitna kasi ang Pangulo kina Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa usapin ng term-sharing dahil siya ang nasa likod ng kasunduan o term-sharing agreement, na ngayon ay ayaw na sundin ng mga kaalyado ni Cayetano.

 

“Nirerespeto ng Presidente ang desisyon ng mga mambabatas because this is a purely internal matter,” giit ni Sec. Roque.

 

Sa ilalim ng kasunduan, uupuan ni Cayetano ang speakership post ng 15 buwan simula ng 18th Congress noong Hulyo ng nakaraang taon.

 

Pagkatapos nito ay iti-take over naman ni Velasco para magsilbi bilang House Speaker ng 21 buwan. (Daris Jose)

Other News
  • Mga NBA players posibleng payagan ng magsuot ng mga ‘statement’ jerseys

    Posibleng payagan na ang ilang NBA players na magsuot ng mga uniporme na may nakakargang slogan na sumusuporta sa social justice o charities imbes ang kanilang mga pangalan kapag nagsimula na ang liga.   Nagsasagawa na ng pag-uusap sina Oklahoma City Thunder guard Chris Paul ang pangulo ng National Basketball Players Association at ang mga […]

  • EDSA mabilis pa rin ang daloy ng trapiko

    Kahit na dumami ang bilang ng mga sasakyan sa EDSA tulad ng bago pa ang pandemya, ang daloy ng trapiko dito ay naging mabilis pa rin.     Sa isang panaham kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benjamin Abalos kanyang sinabi na kahit na madami na ngayon ang bilang ng mga sasakyan naging mabilis […]

  • Lalaking nangholdap at nanakit sa estudyante sa Valenzuela, timbog

    BALIK-SELDA ang isang lalaki matapos holdapin at saktan pa ang 18-anyos na babaeng estudyante nang pumalag ang biktima sa Valenzuela City.       Kinilala ni P/Col. Allan Umipig, Officer-in-Charge (OIC) ng Valenzuela City Police ang suspek na si alyas Ramos, 29, ng Road 5, Hagdang Bato, Brgy., Marulas.       Sa imbestigasyon ni […]