Meralco wala munang disconnection sa NCR, Laguna
- Published on August 6, 2021
- by @peoplesbalita
Sinuspinde muna ng Manila Electric Company (Meralco) ang kanilang disconnection activities sa Laguna at National Capital Region (NCR) sa ilang piling petsa ngayong Agosto.
Ito’y kasunod na rin nang pagsasailalim ng pamahalaan sa mga naturang lugar sa mas istriktong community quarantines dahil sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 nitong mga nakalipas na araw.
Sa paabiso ng Meralco, ang disconnection sa Laguna ay suspendido mula Agosto 1 hanggang 15, dahil sa pagpapasailalim sa lalawigan sa modified enhanced community quarantine (MECQ).
Samantala, hindi rin muna magpuputol ang Meralco ng linya ng kuryente sa NCR simula Agosto 6-20 dahil sa nakatakdang enhanced community quarantine (ECQ) sa rehiyon.
Umapela rin ang Meralco sa mga kostumer na makipag-ugnayan sa kanila sa mga billing concerns ng mga ito at samantalahin ang pagkakataon upang makaiwas sa mahabang pila, sa sandaling alisin nang muli ang ECQ.
Tuloy naman ang meter reading at bill delivery activities ng Meralco. (Gene Adsuara)
-
Tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas tumuntong na lagpas 2.6 milyon
Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 10,748 bagong infection ng coronavirus disease, Lunes, kung kaya’t nasa 2.6 milyon na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa. Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito: lahat ng kaso: 2,604,040 nagpapagaling pa: 106,160, […]
-
Abueva, balik laro na matapos tanggalin ng PBA ang suspension
TINANGGAL na ng Philippine Basketball Association (PBA) ang suspension ni Calvin Abueva. Sa inilabas na kalatas ng liga, maaari ng makasama ng Phoenix Super LPG si Abueva sa kanilang laro simula nitong araw ng Lunes. Isinaad pa dito na aktibong lumahok si Abueva sa mga counselling program. Bago ang nasabing desisyon ay […]
-
Ads February 11, 2021