• June 3, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Abueva, balik laro na matapos tanggalin ng PBA ang suspension

TINANGGAL na ng Philippine Basketball Association (PBA) ang suspension ni Calvin Abueva.

 

Sa inilabas na kalatas ng liga, maaari ng makasama ng Phoenix Super LPG si Abueva sa kanilang laro simula nitong araw ng Lunes.

 

Isinaad pa dito na aktibong lumahok si Abueva sa mga counselling program.

 

Bago ang nasabing desisyon ay nagkaroon ng pag-uusap ang PBA sina Super LPG team manager Paolo Bugia at coach Topex Robinson.

 

Kasama sa pagpupulong sina PBA Commissioner Willie Marcial, deputy commissioner Eric Castor at technical officer Mauro Bengua.

 

Inilahad pa ni Marcial na sakaling maulit muli ni Abueva ang pangyayari ay masususpendi rin ito at papatawan ng mas mabigat na multa.

 

Umaasa si Marcial na may natutunan ng aral si Abueva sa pangyayari.

 

Magugunitang noong nakaraang Hunyo 2019 ay pinatawan ng indifinite suspension si Abueva matapos ang banggaan nila ni TNT import Terrence Jones at ang nobya ni Ray Parks.

Other News
  • Irving isinusulong na gawing logo ng NBA si Bryant

    Desidido pa rin si Brooklyn Nets star Kyrie Irving na dapat ipalit si Kobe Bryant sa logo ng NBA.     Kabilang kasi si Irving sa inilunsad na petition noong 2020 ng pumanaw ang Los Angeles Lakers star sa helicopter crash kasama ang anak nitong si Gianna at pitong iba pa.     Sinabi ni […]

  • PAGPA-FILE NG MGA KANDIDATO, LIMITAHAN ANG ISASAMA

    PINALILIMITAHAN ng Commission on Election (Comelec) ang mga isasama ng mga kandidato kung maghahain ito ng kanilang kandidatura o certificate of candidacy  para sa 2022 national at local elections.     Ito ay upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat isa sa gitna ng  pandemya dulot ng  (COVID-19) .     “We are reminding those that […]

  • Tiamzon mamumudmod ng mga bola’t net sa LuzVi

    MAMAMAHAGI ng bola at net ng volleyball bilang Pamasko  niya sa mga kabatan si Premier Volleyball League (PVL) star Nicole Anne Tiamzon sa ilang sa Luzon at Visayas.   Ito na ang huling proyekto ngayong taon ng ‘YSK Outreach ng Spike and Serve Philippines Incorporated’ na pinamumunuan mismo ng dalagang balibolista   Kaya nanawagan pa […]