Pagdating sa bansa nang mahigit 3M doses ng Moderna Covid-19 vaccines, pinangunahan ni Pangulong Duterte
- Published on August 6, 2021
- by @peoplesbalita
PINANGUNAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagsalubong sa pagdating nang mahigit sa 3 milyong doses ng Moderna Covid-19 vaccines na dinonate ng gobyerno ng Estados Unidos sa Villamor Air Base,Pasay City.
Sa maikling mensahe ng Pangulo ay pinasalamatan nito ang Amerika dahil sa kabutihang-loob na ibahagi ang Covid-19 assistance sa Pilipinas.
“I would like to extend my deepest gratitude to the COVAX Facility for the continuous donation of these vaccines. We look forward to the delivery of even more life-saving vaccines in the country very soon,” ayon sa Pangulo.
“We are equally grateful for the donations of the key medical supplies and equipment and the provisions of institutions support of our Covid response. All of these have helped, definitely will continue to help the Filipino people. Indeed, the cooperation between the Philippines and US in overcoming the pandemic highlights the strong and deep friendship between out two countries,” dagdag na pahayag ng Pangulo.
Ang pagdadala aniya ng bakuna ng Estados Unidos para sa mga mamamayang Filipino ay nakapapagod at dumaan sa mahirap na proseso.
“May I just make a segue of my talk to you. I know that it is the sentiment of America that the vaccines that will be given to the Philippines should go first to those who have least in life. Yung mga mahirap. The poor ones who cannot afford and for those… well… who do not want to be vaccinated we will try to entice them with the vaccines given by the United States,” ani Pangulong Duterte.
Ang mga bakuna aniya na dinonate ng Estados Unidos ay ibibigay niya sa mga mahihirap na mamamayan.
“Rest assured that everybody will follow that directive. Let us beat Covid-19 together at maraming salamat po sa inyong lahat,” pagtatapos ng Pangulo. (Daris Jose)
-
118 na ang mga nasawi sa Eastern Visayas dahil sa bagyong Agaton
Patuloy pang nadadagdagan ang bilang ng mga indibidwal na kumpirmadong patay sa pananalasa ng bagyong Agaton sa Eastern Visayas region. Sa isang pahayag ay kinumpirma ni Easter Visayas Regional Police spokesperson Colonel Ma. Bella Rentuaya na batay sa kanilang partial report ay umabot na sa 113 ang bilang ng mga nasawi nang dahil […]
-
Posible kayang maging ninang nila ni Cong. Jay?: AIKO, kilig na kilig sa pagdating ni VP SARA sa party niya
KILIG na kilig si Councilor Aiko Melendez sa pagdating sa party niya ng Bise-Presidente ng Pilipinas na si Sara Duterte. Nag-fangirling si Aiko dahil idolo niya si Inday Sara na nagpaunlak na dumalo sa Super Sam sa imbitasyon mismo ni Aiko. Nag-speech si Inday Sara para kay Aiko ng pagpapasalamat sa […]
-
DTI, suportado ang muling pagbubukas ng mga gyms sa Kalakhang Maynila sa Setyembre 30
SINABI ng Department of Trade and Industry (DTI) na suportado nito ang muling pagbubukas ng mga gyms sa Kalakhang Maynila pagkatapos ng Setyembre 30 o kahit pa manatili ang rehiyon sa ilalim ng COVID-19 alert 4. Pinag-aaralan nang mabuti ng technical working group ang panukala ng DTI na lagyan ng cap ang indoor capacity […]