• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

RIDER ARESTADO SA SHABU SA VALENZUELA

BAGSAK sa kulungan ang isang rider matapos makuhanan ng shabu makaraang masita ng mga pulis sa quarantine control point dahil walang suot na helmet habang nagmamaneho ng motorsiklo sa Valenzuela city, kamakalawa ng gabi.

 

 

Nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 11 under Article II of RA 9165 at Art. 151 of RPC ang suspek na kinilalang si John Nino Bautista, 41 ng 6 Valeriano St. Brgy. Balangkas.

 

 

Sa report ni PCpl Glenn De Chavez, may hawak ng kaso kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, habang ipinapatupad ni PSMs Roberto Santillan ang Enhance Community Quarantine sa quarantine control point sa Kabesang Imo, corner Macopa St. Balangkas, dakong alas-9:30 ng gabi nang parahin niya ang suspek dahil walang suot na helmet at hindi tama ang pagsuot ng face mask habang sakay ng isang motorsiklo.

 

 

Nang hanapan ni PSMs Santillan ng quarantine pass o kahit anung dokumento na nagpapahintulot sa kanya na maari siyang lumabas ng bahay ay walang naipakita ang suspek at sa halip ay tinangka nitong tumakas.

 

 

Gayunman, agad siyang nahawakan ni PSMs Santillan saka inaresto at nang kapkapan ay narekober sa suspek ang apat na plastic sachets na naglalaman ng humigi’t-kumulang sa 1 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P6,800, at cellphone. (Richard Mesa)

Other News
  • 242 na mga dayuhan pinagbawalang pumasok sa bansa

    PINAGBAWALAN ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) na makapasok ng bansa ang may 242 na mga dayuhan na pinaghihinalaang illegal na magtratrabaho.   Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na ang pagbabawal ay kasunod nang pagbabalasa ng ilang opisyal sa NAIA mula sa kanilang kasalukuyang puwesto dahil sa nabulgar na “pastillas” scheme.   […]

  • PBBM, ipinag-utos ang mabilis na rehabilitasyon ng Marawi

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Office of the Presidential Adviser for Marawi Rehabilitation (OPAMR) na i- fast-track ang rehabilitation efforts nito partikular na sa ‘kuryente, tubig at pabahay’ sa Marawi City.   Sa sectoral meeting sa Palasyo ng Malakanyang, sinabi ni Pangulong Marcos na dapat na makahanap ng maayos na paraan ang […]

  • Pacquiao-Crawford fight pang-drumbeat sa FIFA World Cup

    Sakaling maikasa ang laban, planong dalhin ang mega fight sa pagitan nina Manny Pacquiao at Te­rence Crawford sa Doha, Qatar bilang bahagi ng drumbeating para sa 2022 FIFA World Cup.   Ayon kay Top Rank Promotions chief Bob Arum, nakikipag-ugnayan na ito sa ilang matataas na opisyales ng Qatar upang maikasa ang Pacquiao-Crawford fight.   […]