• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagbibitiw sa tungkulin ni Sec. Avisado, tinanggap na ni Pangulong Duterte

TINANGGAP na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagbibitiw sa tungkulin ni Department of Budget and Management (DBM) Sec. Wendel Avisado dahil sa “medical reason.”

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na itinalaga ng Pangulo para pansamantalang humalili kay Sec. Avisado si Usec. Tina Rose Marie L. Canda bilang Officer-in-Charge ng Budget Department

 

Nauna rito, inanunsyo ng DBM na naka-medical leave si DBM Secretary Wendel E. Avisado simula Agosto 2 hanggang 13.

Ayon sa DBM, kasunod ito ng pag-positibo sa COVID-19 ng kalihim na 8 araw ding na-ospital at mahigit isang buwang na-quarantine.

 

Pinayuhan umano si Sec. Avisado ng kanyang doktor na sumailalim sa serye ng pagsusuri dahil na rin sa quadruple open heart bypass nito 14 taon na ang nakararaan. (Daris Jose)

Other News
  • MGA NAVOTENO NAGPAKITA NG TALENTO SA FILM FEST, AT PHOTO COMPETITION

    MULING nagpakita ang mga Navoteño ng kanilang mga talento at kasanayan sa paggawa ng pelikula at photography sa 6th Navoteño Film Festival at 5th Navoteño Photo Competition and Exhibition.         Itinampok sa festival ang 8- hanggang 10 minutong maikling pelikula na nakasentro sa tema, “Navoteño LGBTQIA+, Mahalaga sa pag-angat ng Turismo at […]

  • QCARES+ nagpasaklolo kay Joy Belmonte

    Nanawagan ang ­Quezon City Advocates for Responsible Entertainment, Sports + Gaming and Wellness (QCARES+) kay ­Quezon City Mayor Joy Belmonte na hilingin sa Inter-Agency Task Force (IATF) na payagang magpatuloy ang business operations ng mga miyembro nito sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) na iiral sa Agosto 6.   […]

  • SPUTNIK V VACCINE, OKEY NA SA FDA

    BINIGYAN  na ng Food and Drug Adminstration (FDA) ang Gamaleya Sputnik V vaccine ng Emeregncy Use Authorization o EUA.   Kinumpirma ito ni FDA Director General Eric Domingo sa virtila media forum ng Department of Health (DOH) ito ay matapos ang maingat na pagsusuri at konsiderasyon ng regulatopry at medical experts.   “It is  decided […]