• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pacquiao nagpahiwatig ng posibleng pag-retiro kasunod nang pagkatalo vs Ugas

Kasunod ng kanyang unanimous decision loss kay Yordenis Ugas sa kanilang bakbakan kahapon sa T Mobile Arena sa Las Vegas, nagpahiwatig si Manny Pacquiao na posibleng isasabit na niya ang kanyang boxing gloves makalipas ang ilang dekadang pagsabak sa itaas ng lona.

 

 

Sa kanilang post fight press conference, sinabi ni Pacquiao na maraming bagay na ang kanyang ginawa sa pagboboksing, at marami rin ang naging kapalit nito sa kanyang buhay.

 

 

Sa ngayon, pinag-iisipan na raw niya ang kanyang future sa boxing at nakikita na rin ang kanyang sarili makasama pa lalo ang kanyang pamilya.

 

 

Bagama’t talo, labis namang nagpapasalamat si Pacquiao sa kanyang mga fans na pumunta sa laban nila ni Ugas.

 

 

Nagpasalamat din siya sa suporta ng mga ito sa kanya at sa pagkakataon na maibahagi ang kanyang mga karanasan sa pagboboksing.

 

 

Magugnita na mula noong Enero 1995 ay lumalaban na si Pacquiao sa boxing bilang isang professional athlete.

 

 

Sa kanyang 72 professional bouts, kinikilala si Pacquiao sa ngayon bilang tanging eight-division world champion.

Other News
  • Ads October 24, 2022

  • Nasa 1.5-M manggagawa nawalan ng hanapbuhay dahil sa ECQ sa NCR plus – Sec. Lopez

    Tinatayang nasa 1.5 million manggagawa ang nawalan ng trabaho sa kasagsagan ng dalawang linggo na enhanced community quarantine sa Greater Manila Area, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).     Sa isang briefing, sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na sa halos 1.5 million displaced workers, 500,000 rito ang nakabalik na sa kanilang […]

  • WHO, PH vaccine experts inirerekomenda pa rin ang AstraZeneca vaccines: FDA

    Inirerekomenda pa rin ng mga eksperto ang paggamit sa Pilipinas ng COVID-19 vaccine na gawa ng Oxford University at British pharmaceutical company na AstraZeneca.     Ito’y kasunod ng pansamantalang suspensyon sa pagtuturok ng naturang bakuna dahil sa “very rare side effect” na pamumuo ng dugo at mababang  platelet counting.     “Dumating na yung […]