CHR: ‘Wag magpakalat ng maling impormasyon
- Published on October 5, 2020
- by @peoplesbalita
NANAWAGAN ang Commission on Human Rights sa publiko na huwag magpakalat ng maling impormasyon.
Ginawa ng CHR ang pahayag makaraang lumabas ang sagot ng isang netizen laban sa umano’y mapanlinlang na post ng isang komedyante noong 2017.
Nabatid na kumalat sa social media ang isang post na nagtatampok sa pahayag ng komedyanteng si Beverly Salviejo laban sa CHR noong 2017 kaya’t kailangang magsalita ang ahensya sa pamamagitan ng Facebook para maitama ang mga alegasyon laban dito.
Kabilang sa mga claim ni Salviejo ang umano’y pananahimik ng ahensya sa Mendiola massacre na nangyari noong Enero 1987.
Nabatid na ang ahensya na binuo sa ilalim ng 1987 Philippine Constitution ay opisyal na itinatag noong May 5, 1987 o apat na buwan makaraan ang naturang masaker.
Hindi umano maiiwasan ng CHR ang umanong krimen na naganap bago ito itinatag.
Hindi rin umano nagprotesta ang CHR nang pinaslang ang mga magsasaka sa Hacienda Luisita na tinugon ng CHR na kinumpirma ng dating chairman nito na si Atty. Norberto D. Dela Cruz na nagkaroon ng human rights violations sa naturang pag-atake sa mga magsasaka.
Idinagdag pa nito na nag- imbestiga rin sila sa madugong dispersal ng magsasaka sa Kidapawan at inirekomenda ang pagsasampa ng kaso laban sa mga sangkot sa insidente.
Simula umano nang sumagot ang CHR, binura na ni Salviejo ang kanyang post.
Dahil dito, hinikayat ng ahensya ang publiko na maging responsible at kilatising mabuti ang mga naglalabasan sa social media at iwasang magpakalat ng malisyoso at mapanlinlang na impormasyon.
-
Magiging busy na uli sa paggawa ng movies at pag-awit… JANNO, nag-sorry sa mga followers dahil sa social at political postings
NAG-SORRY si Janno Gibbs sa kanyang mga followers. Ang dahilan, sa mga nakaraang buwan daw kasi, puro tungkol sa social at political ang mga postings niya. Naging vocal din si Janno noong nakaraang election na ang sinuportahan niya ay si dating VP Leni Robredo. At tumanggap din si Janno […]
-
Baguio City, magsisimula nang tumanggap ng bisita mula sa Ilocos Region
MAGSISIMULA na ang tourist-favorite Baguio City na tumanggap ng kanilang bisita mula sa Ilocos region simula Setyembre 22. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang residente ng Region 1 na nagnanais na bumisita sa Baguio City, kilala bilang summer capital ng bansa dahil sa malamig na panahon ay kailangan lamang na mag-rehistro sa online at […]
-
Panuntunan sa paggunita ng Undas, inilabas ng Navotas
NAGPALABAS ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng mga panuntunan para maging ligtas ang paggunita ng Undas sa mga sementeryo sa lungsod ngayong taon. Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, bukas ang mga pribado o pampublikong sementeryo, memorial park, o columbarium sa Oktubre 30 hanggang Nobyembre 3, 2022. Aniya, upang maging maayos […]